Yeast infection?

Hello po. Pasintabi po sa picture. Last week po nagconsult ako sa OB ko about sa discharge ko, may amoy kasi syang fishy, then niresetahan nya po ako ng Metronidazole, okay naman after drinking it for 2 days palang nawala na yung amoy and onti nalang din discharge na malabnaw and color green. Pero tinuloy ko parin po yung pag inom ng gamot since for 7 days po kasi sya. 5th day ko na po today. Ngayong araw din po nangangati naman po yung vagina ko, then pinacheck ko po kay hubby, ayan pong nasa pic ang kinalabasan. Nawala yung amoy sa gamot pero napalitan ng kati at ganyan sa loob ng vagina ko. 😒 Di naman po ako makabalik sa OB ko dahil malapit narin po ko manganak parang gusto nalang mag rest kesa bumyahe pa. Nagpa-lab test narin po ako waiting for the result on Monday. Anyone po with same case with me? Medyo stress na ko, bakit ako nagkaron nito, malinis naman ako sa katawan lalo na pagdating sa private part ko, naghuhugas din ako ng fem wash and apple cider vinegar at maligamgam na tubig. Ang tagal nadin namin di nag DO ni hubby almost 2 mos na ata dahil worried ako na baka dun galing ang discharge. Baka po may marecommend kayong over the counter meds, na di need ng reseta. I'm thinking po of anti-fungal creams or suppository, but not sure ano pwede for pregnant like me. Thanks po. #pregnancy #advicepls

Yeast infection?
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madalas mommy dahil po yan sa imbalance ng hormones ntin dhil po pregnant tayo. Naglelemon water lang po ako everyday. Hindi po ako nagkaron ng ganito pero try nyo po maglemon water. Nakakatulong po sya mabalance yung pH level ng katawan at the same time nakakatulong din sya na patayin yung mga posible bacteria/fungi na pwede mabuo sa katawan ntin. Sana po makahelp to

Magbasa pa
5y ago

naglelemon water din po ako kaso di naman po everyday. pero sobrang lakas ko uminom ng tubig. thanks po. try ko maglemon water everyday