to misis: pag nagagalit ba kayo, gusto nyong saktan asawa nyo?
Hello po, pag nagagalit kasi ako, parang nailalabas ko galit ko pag nasusuntok ko mister ko. Acceptable rrason ba yun para saktan ka din nya? Hindi nya naman ako sinusuntok pero yung gigil nya hawak sa kamay ko hanggang magkapasa. Pananakit na bang matatawag yun?

No po mommy. There's no acceptable excuse for abuse. Ako po personally, I am clinically diagnosed with major depressive disorder and manic depressive disorder. There comes a time lalo na when I'm in my mania phase na pag galit ako may urge akong manakit pero nacocontrol ko dahil iniisip ko rin na kawawa naman ang asawa ko kung masasaktan ko. So ginagawa ko dinadivert ko ang attention ko. Kung galit ka po, pwede po munang kalmahin ang sarili dahil hindi po tayo dapat masanay na kapag galit tayo is kelangan natin manakit ng iba.
Magbasa pa
