to misis: pag nagagalit ba kayo, gusto nyong saktan asawa nyo?

Hello po, pag nagagalit kasi ako, parang nailalabas ko galit ko pag nasusuntok ko mister ko. Acceptable rrason ba yun para saktan ka din nya? Hindi nya naman ako sinusuntok pero yung gigil nya hawak sa kamay ko hanggang magkapasa. Pananakit na bang matatawag yun?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nahhurt c mister kasi ganun ka sa kanya, Hug and Kiss mo nalang para ganun din gagawin nya sayo mommy ... Lalaki po sya dapat di natin cnasaktan prang feeling kasi nila minsan natatapakan pride nila sa ganyang paraan.. Love love lang po

Kapag nag aaway kami ang gusto ko lang gawin is umuwi samin. Di kami nag aaway physically, hindi ko siya sinusuntok kapag galit ako kasi baka saktan din ako. Pero minsan pag nag aasaran kami nagkakasakitan kami. Pitik tsaka hampas lang.

Mali po ang manakit ng kapwa mapa lalake man o babae. Kung ayaw natin na nasasaktan tyo wag din po tayo manakit. May mga pagtatlo naman na pwede ng walang sakitan. Masama din kung makikit ng anak ninyo yan habang lumalaki...

Binubungangaan ko lang at hindi papansinin hanggang kaya ko HAHAHAH😂😂😂.. ganun din naman sya sakin pag galit sya hahaha. Panget kasi pag nagssakitan hindi magandang halimbawa yun lalo na sa mga bata

Hindi po un acceptable. Kumbaga kung pinanganak po kayong lalaki, malamang nangbubugbog po kayo ng asawa kapag galit. Try learning about anger management :) and syempre po, respect na rin sa husband ninyo

Ako di ko sinasaktan mister ko. Dinadaan ko na lang sa iyak konti , tapus mag uusap kami dalawa ulit yung mahinahon na. Mag sosorry kami sa isa't isa.

Di maganda ang nanakit sa kapwa.. di maganda ihemplo lalo na sa mga anak... mga anak ang apektado... dapat silent war lng kayo ni mr.

VIP Member

Kung ano pong ipinapakita nyo sa asawa nyo di malayong yun din ipapakita nya sayo

Domestic violence po yan... mapababae or lalaki dapat po hindi po tayo manakit.

Super Mum

Hindi naman po. Ayoko lang siyang makita naiinis ako hahaha