Hiyang or hindi hiyang?

Hello po, paano ba malalaman if hiyang sa formula milk or hindi si baby? 9 months na si baby, Similac Tummicare siya from 1 month till mag 9 months siya. Recently, nagpalit kami gatas. Lactum 6-12 months kasi medyo pricey na yung milk niya atsaka malakas din naman siyang magdede sakin at kumain. Sunday, naka total of 13oz siya ng lactum. Monday morning, nagpoop siya ng normal na poop niya (may matigas, may basa. Ganito poop niya dati sa similac) tapos kagabi, nagpoop siya ng sobrang basa. Pati ngayong morning. :( Hiyang kaya siya sa milk or hindi? Di ko alam if itutuloy ko pa yung lactum or babalik na kami similac. Baka po may same experience :( Thank you so much

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mamshie naka TUMMICARE kc si baby mo meaning sensitive ang tyan nya. Dalawang klase kc ang similac yung Similac gain plus (para sa mga hindi sensitive ang tyan) at similac tummicare (sensitive stomach) kaya siguro basa ang poop ni baby mo kc dapat nagshift ka din sana sa low lactose formula or dipende na din sa sasabihin ng pedia mo po

Magbasa pa

Skl. Start siya ng similac tummicare. After a few months, nag diarrhea siya. As per our pedia, need to change milk na. Nag similac gain na kame until now 1 yr old na si baby. Monitor mo na lang muna and If nagtae (more frequent & Watery poop) consult your pedia right away.

Thank you so much po, mga mommy! 🥰 Nagpunta kami pedia (not because of the milk problem. Monthly check up lang) at nagsuggest na Nestogen daw kung gusto magpalit kasi hindi sya ganun katamis. At ayun, nahiyang naman siya. Thank you so much po 🥰

Nag aadjust si baby sa new milk nya. if di sya irritable, malakas dumede at nakatulog naman ng mas maayos. Wala pong dapat ikabahala. Pero syempre ikaw padin ang makakaalam sa baby mo. if bothered ka talaga consult your pedia.

VIP Member

Baby ko po since birth naka tummicare na sya di pa rin namin mapalitan ng milk till now na 15months na sya dahil sensitive tiyan nya. siguro po better to consult muna po sa pedia nya before ka po mag switch ng ibang milk 😊

TapFluencer

monitor m po poop nya bk ngaadjust p sya if watery n masyado hndi nya po yun hiyang ok lng sn if may halong mtigas km kc from tummicare to nan optipro may halo probiotic kya ok nmn kay baby..

ask mo sa pedia mii kasi ang alam ko pag basa ang poop meaning di hiyang sa milk kasi sa ganyang months dapat di na basa poop nyan sa newborn okay lang na basa