NEED ADVICE NAKUNAN
Hello po. Pa help naman po need advice. Hide ko lang po identity ko kasi po may kakilala din ako dito sa group mga kaibigan ko. Ganito po kasi yun Oct 9 po last mens ko. Oct 13 ovulation day ko may nangyari samin ni hubby at hindi sya sigurado na nailabas nya lahat. After 1 week nag PT po ako negative kaya nagchill lang po ako. Bawal pa daw po kasi agad ako mabuntis sabi ng OB kasi bata pa po matress ko kumbaga malambot masyado. Oct. 27 po dapat magkakaron ako ulit kasi po sa isang buwan dalawang beses ako dinadatnan pero di po ako dinatnan kampante pa din po ako kasi po minsan 10days delayed talaga mens ko. Kinabukasan, linagnat po ako tapos sumakit lahat ng katawan ko kaya nagpahilot po ako buong katawan. Then Oct 30 po nagdecide ako mag PT ulit kasi po wala pa talaga mens ko nag positive po sya. Nov4 po dinugo ako hindi po ako nagpacheck up kasi po akala ko spotting lang din kasi normal naman yun pag first tri ng pagbubuntis (nagtuloy tuloy po sya hanggang 8) pero po nung Nov8 po may lumabas sakin na malaking dugo na sabi nila embryo na daw po yun ng bata. Nagpatulong po ako sa midwife, pinainom nya po ako pampalinis ng matress. Nakunan na pala ako. Kanina po nag PT ako negative na po. Ask ko lang po kung: (1) Kailan po possible bumalik mens ko ngayong month po or next na? (2) Need pa po ba magparaspa kahit po negative na? (3) Kailan po kaya fertile days ko? Nahirapan po ako magtrack ng menstruation ko. (4) Magtatake po sana ako pills ano po yung pwede sa bf mom? Thank you po sana po masagot. Hindi po kasi ako makalabas kasi nag aalaga po ako ng baby wala po ako maiiwan sakanya.