Rights...

Hi po, Need advice po... May 2 babies po ako, sa first baby ko po nagloko na po ang ama nila, may na meet po sya ng 3 years younger sa kanya, opo umuuwi na man po sya sa provide naman 2 wks a year.... And yes po nag sesend po sya na pera pra sa mga bata minsan 500, 1k, 1500 to 2k po sa dalawa.... Pero sa bawat padala nya kailangan ko pa po syang tadtarin ng txts and plssssss para mag send agad sya....... This pandemic mo hindi po sya sa amin umuwi, (march to oct.) last nov. po back to work na sila, sabi nya diretso sya sa work nila pero nalaman kung bago yun nagkita sila ng babae nya, i know wala naman po akon masyadong karapatan kasi di kami kasal, kaso masakit hehehehe and nagpapadala na po sya uli kaso ngayong month of december nag papadala po sya 1000 hanggang 1200 nlang po, sinasabi ko po na kung pwede 1500 kc may sakit 2nd baby namin pero lagi nyang nirarason na marami daw syang utang..... This time po inistalk ko po yung girl and nalaman kung sila pa rin pero tuwing tinatanong ko sya sinasabi nya hindi na daw...... Nagdududa po ako kc lagi nyang tinitipid ang mga bata..... Need ko po sana ng advice kung paano ko po o ano po ang gagawin ko para maging responsable sya sa pagpapadala sa dalawa..... Legally po, kc i know darating ang araw na magsasama sila at magkakaanak din... Ayaw ko pong dumating ang araw na itsapwera nlang ang mga anak ko.... Lalo nat hindi nya po ka apelyido..... At tsaka po sinasabihan nya po akong mukhang pera daw, na pera nya lang ang habol ko, ang mas masakit dinadamay nya po mga magulang, where in fact na kapag di sya nagpapadala mga magulang ko po ang bumibili ng mga pangangailangan ng dalawa... Hindi po kami hiwalay pero gusto ko na pong makipaghiwalay, tinotwotime na po ako, actually 3 taon na po....... Advice nyo na man po ako please.... Salamat po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magfile ka ng case for child support momsh. Sa barangay ka muna pumunta. Monthly po b yang pinapadala niya? Kulang na kulang po yan. Kung may panggastos siya sa ibang babae dapat ndi ung mga anak ang nagsasuffer. Kapag ndi naayos sa barangay, iaakyat yan sa local court then korte na magdedecide kung magkano ang tamang sustento base sa sahod niya. Para magkaroon nrn ng kasulatan. Good luck momsh and God bless. Huwag po kayo magalala kapag nagreklamo kayo sa barangay, barangay na mismo ang magcall ng attention sa kanya. Since ndi dn po kayo kasal. Pagdating po sa pagprovide sa needs ng mga bata, shared responsibility po ninyo pareho 50/50 kumbaga momsh. Yan dn po sasabihin ng korte.

Magbasa pa