Gamot pampakalma
Hello po. Namatayan po ako ng twins last week at sobrang nahihirapan akong matulog sa gabi. Palagi akong balisa, kahit pigilan kong isipin ang nangyare parang nagrereact ng kusa ang katawan ko. Ano kayang safe na gamot pampatulog or pampakalma ang pwede konh itake?
Condolences po mamsh. And, yes, tama po yung unang nagcomment, best to consult a psychiatrist (wag po psychologist, hindi po nagpeprescribe ng gamot ang psychologist). Nagtake po ako dati ng OTC na melatonin supplement for insomnia, effective nung una pero katagalan di na tumatalab. Nagtake din po ako ng quetiapine for insomnia, depression, mood swings and adjustment disorder, lowest dose (25mg) po yung nireseta sakin pero grabe po ang side effects, 16-24 hours akong tulog and pag nagising ako para akong lasing. Please talk to a professional po and consider your options kung magmemeds ka or therapy 🙏 hugs and fighting mommy! ❤️❤️❤️
Magbasa paHi mamsh. Condolences po sa nangyari sa inyo. Sa ganyan pong case seek po kayo sa psychiatrist sila po kasi mag rerecommend ng pwede niyong gawin or itake. Hindi po madali pinagdaanan niyo. Hindi rin po kasi basta basta nakakabili ng sleeping pills my right dosage po kasi yan lalo na my iniisip po kayo.
Magbasa pa