Rashes

Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.

Rashes
336 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy wag mo muna siya lagyan ng diaper lampinan mo nalang muna siya hanggang sa gumaling tapos palitan mo nalang din ung brand ng diaper. Mas ok po ung mamypoko or huggies

EQ po mura lang din. Saka po palitan nyo mommy diaper nya kahit hindi pa puno ng wiwi lagi din po dapat dry pagtapos nyo punasan ng Wipes or cotton balls pagtapos mag poop

Aquaphor baby 3in1 diaper rash cream po. Mabilis din. Nagkaganyan si baby ko hanggang sa face. Yun lang nilagay ko sa face kahit pang diaper rash sya. Nawala din sya agad

Sis delete mo na lang pix ni baby d na dapat pinost yan kung talagang worried ka sa rashes nya why dont you bring your baby sa pedia asap para sa kapanatagan mo..

VIP Member

Lampin mo muna mommy para makahinga pempem, sudocrem maganda pang rashes po. Try nyo po huggies or pampers pag naging okay na, never nagka rashes baby ko sa huggies.

Maligamgam n tubig lang panghugas momsh wag muna sabunan, try mo mag pampers dry kasi maganda yun. Kapag di pa rin nawala, punta na sa pedia. Wag din pulbusan. 😊

palitan m sis diaper kz ung baby k nag ka rashes dn nung lampen gamit nia plastic kz dba,inubos klng un tz nag sweet baby n o kahit ano brand basta ung cloth cover

linisin molang momsh ng bulak na may warm water pahinga muna po sa diaper .. wag na po lagyan ng pulbos un private part ni baby kasi nakakairritate ng skin un ..

grabe po maga ng pempem ni baby gawin nyo pacheckup nyo para mabigyan ng gamot kung calmoseptine unti unti po natutuyo dapat po wala diaper muna at pahangin nyo

Hi mommy bilang concern mommy i suggest na cover or blur out nyo sana private part ni baby. And para po s rashes most effective po tong cream na toh sa baby ko.

Post reply image