Rashes

Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.

Rashes
336 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh try mo change ng diaper kahit pampers tapos ung rashfree+zincoxide na cream sa mercury meron nyan mura lang and effective. Wag lang masyadong makapal paglagay.

5y ago

Sge sis salamat ayaw kasi mataggal rashes ng baby ko ang dami ko ng pinahid sa kanya ayaw pa rin

VIP Member

wg po muna mag diaper si baby para gumaling agad.. kng magdiaper naman po palitan agad kahit isang ihi palag... pampers po gamit ko sa baby ko okay naman sya.

Dalhin mo nlngpo sa pedia, meron ping cream na pang genitals talaga. Para din po malaman mo ang tamang application ng gamot. Minsan kase naooveruse ng gamot.

Kawawa naman baby. Lagi nyo palitan diaper, kung pwede nga lang wag nyo muna lagyan ng diaper mommy. Paconsult nyo na din aa pedia para maresetahan mommy

Mommy, please pako delete na itong post mo kasi madami dito MANIAC!!!! PLEASE, PLEASE. Pwede mo naman hindi nalang picturan. Maawa ka Mommy.

5y ago

Agree with you momshie... maxado naman si mommy binuyangyang na yung korona ng baby nya masyadong nakampante..

VIP Member

Wag mo hyaan n mpunu ng wiwi ung diaper dpat orasan mo po tska wg po msyado pgmitin ng diaper mglampien nlng po muna.. My cream po jn synalar pwede jn..

Try mo yan mamsh maganda sya kasi may antibiotic na din ang cream na yan. May kamahalan nga lang pero worth it naman. Yan ang binigay ng pedia ni lo ko.

Post reply image

Palit po kyo ng diaper. Try pampers. Much better dn wg muna suotan ng diaper pra mkahinga. Try mo po rash free reseta ng pedia. Ngkgnyan dn c baby b4.

Eh wag ka diaper.. True prefect pampers. Clean mo low hot tubig but 1.Tapos clean hot tubig 2.tapos joh.baby powder 3. Tapos Pampers Nothing No cry

Magbasa pa

Nagkaganyan din baby ko, isang araw lang nawala agad. Binili ko yung cream sa botika, yung tig 30+ or 40+, nasa maliit na sachet. Super effective sya.