Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
mother of a beautiful angel ❤
Rashes
Hello po, nagka rashes po si baby nung tuesday so nilinisan ko po at nilagyan ko po ng calmoseptine yung part na may rashes. Usually po pagka ganon ang ginagawa ko nawawala na po. Pero hanggang ngayon meron pa din at mas kumalat pa yung rashes niya hanggang sa naging ganyan na po ang itsura. Nagsimula lang po yan sa pamumula tas naging ganyan na. Lagi ko naman hinuhugasan tuwing magpapalit ng diaper at di ko din binababad sa ?. Parang nag dry na po balat niya sa private area. Ano pa po kayang remedy dito? Lampein po brand ng diaper niya and since newborn yun na po gamit niya. Pasuggest na din po ng diaper tatry ko po muna ibahin baka sakaling mawala na yung rashes.
Christening Theme
Hi mga mamsh, seeking for your help. Nahihirapan kasi ako mag decide sa kung anong theme sa binyag at birthday ni baby girl ko (sabay po). Kung Snow White ba or Belle ng Beauty and the Beast. Attached ko na din photo ng baby ko para maimagine niyo kung anong bagay sakanya. Salamat ng madami! ?
Post Partum Hairloss
Hello mga momshie, tanong ko lang po kung may remedy ba sa post partum hairloss? Nakaka stress na kasi sobrang dami nalalagas everyday, feeling ko nagc-chemo ako sa dami. Tyaka di naman ako nagsusuklay pag nakaupo sa kama pero ang pagtingin ko ang dami kong hair na nakakalat, baka kasi makain ni baby.
Baby Looney Tunes Electric Breast Pump
Hi mga mommies, sino po sainyo gumagamit ng ganitong pump? Kamusta po ang output? Ilang beses ko na kasi tinry talagang di siya nakaka suck. Btw, I am using RH 228 and okay naman siya. Bale pang back up ko lang to.