Myth or Fact?
Hello po. Na CS po kasi ako. More than 1 week na po ang nakalipas. Ayaw parin po akong maligo ng parents ko ng maaga, nagaaral po kasi ako kaya need ko po maligo sana. Okay lang po ba maligo ng 5 am ganon? Warm water naman po yung gamit ko. Di ko naman po binabasa yung tahi ko. Kaso sabi po ng parents ko, di daw po maganda naliligo ng maaga kasi daw po mauubusan ng dugo. Totoo po ba? Minsan po kasi parang di na totoo yung mga sinasabi ng mga nakakatanda. Ayaw pa po nila akong paliguin. 3-4x a week lang naman po ako naliligo, di naman po everyday. Di ko po kasi kayang di maligo eh. Naghihilamos naman po ako 2x a day kaso kulang parin po pag walang ligo. Help me and Enlighten me naman po. Thanks.