Symptoms/signs

Hello po mommies! As you can see po sa tracker ay pang 5 weeks and 5 days ko na po ito. Ang nararamdaman ko palang po ay every morning napakasakit ng palibot ng nipples ko, matigas ganon masakit pag nasasagi. Bahagyang pagsakit ng puson pero bihira lang. Minsan may pagkirot sa ulo pero di ko alam kung sa init lang ng panahon. Tapos ihi ng ihi kasi po madami ako uminom ng water yun kasi sabi ng ob ko uminom ng maraming tubig. Bukod don wala na ko mafeel. Normal lang po ba? PCOS po ako and March 27 huling mens ko, April nagtake kami ng husband ko ng Belta Folic Acid. Hindi nako dinatnan nung April 27. Nagpt ako after 3 days na delayed as you can see sa mga pt ko yung progress ng paglinaw ng lines. Nagpacheck up ako April 2 pero wala pa nakita sa trans v. Kaya need ko bumalik after 2 weeks. Minsan mahirap din mag overthink lalo't alam ko na positive mga pt ko. May mga date po mga pt ko kung kailan ko sila ginamit. Usually po kasi na mga nababasa ko ay mga sumasakit na ulo, nausea, pamamaga ng breast etc. Pregnant po kaya talaga ko? #pleasehelp

Symptoms/signs
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Super positive yan sis. Meron talaga buntis na wala masyado nararamdaman. Iba iba talaga manifestations ng symptoms bawat buntis. As long as wala ka bleeding or spotting or unbearable pain you should be fine. Better pacheck ka na din sa OB para mastart na mga vitamins at gamot. Ung iba nag uultrasound na ng maaga just to make sure nasa tamang lugar si baby.

Magbasa pa
3y ago

Salamat po. Kahit paano nagkaroon ako ng hope na pregnant po talaga ako. Mixed emotions lang din po kasi. God bless po 😇

too early pa po pag 5 weeks pa lang po sac pa lang po ang makikita sa ultrasound

3y ago

ganyan din po ako nun mommy. pray lng po pagbalik nyo po may heartbeat na po si baby nyo 🙏