6 weeks preggy

Hello po mommies, ask ko lang po kung normal lang po ba na walang kahit anong makita kapag almost 5 weeks pregnant? Kumakapal po lining ng matres ko sabi ng ob. Normal lang po ba yun? Medyo worried lang po ako pang 6 weeks ko po today. Sa May 17 pa po balik ko sa ob sabi po kasi ng ob ko bumalik ako after 2 weeks. Ni gestational sac wala pa po yata. Pero nakailang pt na po kasi ako mga nasa 9 pt na positive lalo po kanina magsing kulay na po yung dalawang lines. Galing po kasi ako sa PCOS, medyo nagdiet lang po ako konti, tapos uminom ng BELTA FOLIC ACID, tapos di na po ako dinatnan.Hoping and praying na may heartbeat na po si baby sa May 17, bale 7 weeks mahigit na po ako nun kung sakali. Share nyo po idea or experience nyo po kung naging ganito din po kayo sakin salamat po. Maraming salamat po. #pregnancy

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Eto ung reason bakit unang check up ko sa OB at 4 weeks 5 days hinde pa nia ako ni ultrasound. Kasi baka wala pa daw kami makita at baka mapraning lang daw ako. At buti nalang talaga. Kasi praning ako by nature 😁 Kaya pinabalik ako after 2 weeks. 6 weeks 2 days kita na si baby at me heartbeat na. Unang check up ko walang ultrasound pero binigyan na ako reseta ng mga vitamins at pampakapit. Basta sundin mo lang OB mo. Inom gamot, rest well, eat healthy. As long as wala bleeding, spotting or unbearable pain. Wala ka dapat ikaworry. Pray lang din 🙏🏻

Magbasa pa
3y ago

Hinde normal brown discharge. Punta agad sa OB asap.

Ako din po galing sa pcos 11months ako dinagkaron tas nagpa trans v ako nalaman ko na may pcos ako at puro bubbles palang sa matres ko den may nag sabi sakin bumili daw ako ng diane pills 768pesos un isang buwan na gamutin tas ayun nagkaron nako 3months tas huminto na ulet tas nag pt ako positive po tas ayun nagpag checkup nako may heartbeat na narinig sa puson ko malakas ayun pala buntis nako , 19weeks and 5days nakong buntis ngaun kaka pa ultrasound kolg din nung nakaraan

Magbasa pa
Post reply image
3y ago

mag dasal kalg po kase ayun ung ginawa ko gabi gabi araw araw papakinggan karin po ni lord tiwala lg po.

VIP Member

Marami kaming ganyan na patient mamshie na hindi agad nakikita kaya pinapabalik namin after 2weeks and thank God madami naman din na magandang outcome kasi nakikita na baby nila. Madalas po kasi hindi talaga agad nakikita pag hindi sure ung LMP ng patient dun nag kakamali na akala natin ilang weeks na pero un pala too early pa pala talaga. i PRAY na ung mga same cases sau mamshie pag balik nyo for UTZ may baby na makita🙏🏻❤️

Magbasa pa
3y ago

yung iba po kasi yung sa LMP po sinusunod

ganyan din po ako, nung nag Pa checknup ako 5 weeks palang so gestational sac at yolk sac palang ang nakita, so pinapabalik ako ng ob ko after 2 weeks hopefully makita na Si baby. medyo praning Lang ako kasi I've been in miscarriage in 2020 so medyo ngayon praning ako Sa kaiisip na sana ok si baby. medyo nag ka phobia na rin ako Sa ultrasound di ko alam. 😥😥

Magbasa pa

Nung nalaman kong buntis ako 5 weeks na ako nun. Sac and yolk pa lang nakita kaya pinabalik din ako. Pagbalik ko may heartbeat na si baby.. Itake mo lang mamsh lahat ng vitamins mo and eat healthy foods.. Happy thoughts and pray lang lagi. Magpapakita na din si baby sayo sa next check up mo. Tiwala lang mamsh❤️

Magbasa pa
3y ago

Opo meron po vitamins na binigay sakin. Thank you po 😇🙏

PCOS din ako Momshie, same din kasi nung nagpacheck up ako wala pang nkita pero nagpt ako 3 beses postive kaya pinabalik ako ng OB ko, thank God 6 months na si Baby ngayon sa tiyan ko ☺️ kaya pray ka lang 🙏

VIP Member

sakin po kasi nung 6weeks pa lang si bb ko yolk and sac pa lang nakita pinabalik ako after 2weeks. nakita na po bb ko may heartbeat na po

3y ago

meron na din po yan next week momsh ☺️

VIP Member

ganyan din ako mi almost 5 weeks wala nakita pagbalik ko ng 8weeks nako may hb na si baby 💜 Pray lang sis 🙏

Update po, may heartbeat na po si baby kahapon lang nakita sa trans v. 🥰 6 weeks and 3 days ❤️

same experience sis. wala pang nkita sa v uts ko. balik ako sa may 20 for repeat v uts.

3y ago

Praying na may makita na po sa tyan natin na baby soon. 🙏😇