New born Rashes ๐ help!
Hello po mommies... sana po may makahelp sa baby ko.., 16 days old palang po siya tapos po tinubuan po siya ng mga rashes na yan sa mukha po.. ano po kaya yan? ๐ and ano ano po pwede kong gawin for this ๐ญTIA po
effective po ang breastmilk. ang ginagawa ko sa baby ko nilalagyan ko ng breastmilk yung face nya kasi nagkarashes din sya. nakababad ng 1 hour yung breastmilk sa mukha nya parang pinaka facial nya na. tapos after 1 hour papaliguan na namin yung pampaligong tubig pinipigaan namin ng kalamansi. tapos lactacyd baby bath sabon nya. after 6 days unti unti nang nawala rashes nya. pumantay pa yung kulay ng balat nya walang naiwang marka or spots.
Magbasa paItโs normal nglalabas pa yan ng init sa katawan syempre matgal sya sa tyan natin mostly araw araw may lumalabas at may nawawala nka depende din yan sa mga kinain mo nung bunti ka kc baby q kunti lang tlga lumabas sa knya ta makinis na balat nya wala pa sya 1 month๐ lactacyd muna po gamitin nyo para mabilis mawala๐
Magbasa panormal po yan, lahat po ng baby nagkakaganyan, erythema toxicum po tawag jan.. mawawala din in 1-2months.. khit gumamit po ng pinaka hypo allergenic na soap,magkaka ganyan po halos lahat ng baby.. pansinin nyo po na halos lahat may experience ng ganyan sa mga baby nila..
normal po yan mamsh nagkaganyan din baby ko :) pero nagpalit ako sa johnsons cotton and touch konti konti nawala safe for newborn kasi un, then lactacyd din po na blue, ska mamash baka ung detergent na gamit mo kay baby matapang po ah.
ganyan dn nangyari s baby q lastwik. advice ni pedia nya n lactacyd baby gmitin pamapaligo nya ska physiogel lotion. mdyo pricey pero awa ng dios konti nlng ung rashes nya ngaun
baka di hiyang sa sabon niya ganyan din lo ko nun nagswitch ako tiny buds rice baby bath made from rice grains kaya safe malambot at nakakaglow ng skin try mo sis #adorablebaby
Mommy same case sa baby ko 18days old ganyan din face niya.. Jaundice daw po sabi.. Mawawala din daw po after a month, paaraw lang daw palagi..
Normal lang naman po. Baka po hinahalikan sya ng Papa nya na may Biguti, Ang Biguti din po ay isa sa dahilan bakit nag kakarushes si Baby..
normal nmn po yan mommy. nawawala rin po.. iwasan nyo lang din mag kiss sa face ni baby.. and use cetaphil po maganda po sa skin ni baby un.
Normal po yan newborn rashes po tawag dyan kung breastfeeding ka po hilamusan mo po mukha nya ng gatas mo or everyday mo po sya painitan.