G6PD newborn screening
Hello po mommies, ask ko lang po kung ano yung nagiging effect ng G6PD sa development ni baby.
REMINDER: HINDI ALLERGY ANG G6PD Friendly reminder po sa lahat ng parents ng babies with G6PD Deficiency. (Hindi lang po sayo mommy April π) Kapag nakakain/inom ang batang may G6PD ng triggers o mga bawal, hindi po sila nagkaka-allergy. Hindi namumula kundi nananamlay at minsan hindi nakikita ang sintomas. Dahil ang triggers or mga bawal ay nagdudulot ng pagkasira ng red blood cells or pula sa dugo na nagdadala ng oxygen sa katawan. Kapag kulang ng Red blood cell, ito ang tinatawag na Anemia. Matamlay, maputla ang bata. Kapag laging kumakain ng triggers, dumadami ang damaged red blood cells at naapektuhan ang kidneys. Kaya ang ending, maagang nagdialysis ang mga bata, or magkaroon ng chronic anemia(kailangan salinan ng dugo palagi) at iba pang problema. Nagwoworry lamang po kami sa mga nanay na nagsasabing βHindi naman nagka-allergy ang anak ko nung pinakain ko nang monggo kaya pinapakain ko na ngayon.β Wag po sana nating hintayin na mahimatay o madamage pa ang ibang organs ng anak natin bago tayo umaksyon. Iwasan na po ang trigger as much as possible.
Magbasa pa