Joseph Gabriel Tapiador 40 weeks Edd: September 21, 2020 Dob: September 21, 2020 7:30pm via NSD 2.7kg Finally nakaraos din mga momsh. 2days din naglabor, worth it lahat ng sakit kahit may tahi hanggang pwet nung makita ko na baby ko. 💕 Thank you so much Lord for this wonderful gift 💖 #1stimemom #firstbaby #theasianparentph
Read moreHello po mga sis. Nagising ako 5am para maglakad lakad. Siguro mga nasa 30 mins lang ako nakapag lakad lakad pagkatapos squat lang ako ng squat. 6:30 natulog na ako medyo sumasakit sakit na balakang ko at puson yung parang rereglahin inorasan ko 5mins interval sya. Pero tolerable naman yung pain. Kada sasakit babangon ako para mag squat. Hanggang sa nakatulog ako. Nagising ako kanina mga 10 sumasakit nanaman balakang at puson sabay bangon squat squat lakad lakad na parang nagchacha cha 😅 dun lang kasi ako loob ng kwarto. Pagkasilip ko sa panty ko may onti dugo sya at as in patak ng buong dugo. Nagpalit agad ako ng panty kasi dark blue yung panty ko para sana kitang kita ko kung ano kulay lumalabas sakin. Sa isang panty color brown na sya yung parang kulay kapag rereglahin ka na, pero onti lang. Tapos palit ulit ako panty at squat squat. Pagkatapos bigla nalang may natulo sakin na tubig medyo madami din parang ihi. Naligo na agad ako nun pagkatapos bili ako pineapple juice at lakad lakad di naman kasi masyadong nasakit. Punta na ba ako lying in mga momsh?? #1stimemom #firstbaby
Read moreHello mga mommies. I'm 37 weeks pregnant, naglalakad lakad na ako every morning atleast 1hr pagkatapos nag squat ako 20x. Malapit lapit na tayo mga mommies pero madami pang kulang na gamit si baby, di pa ako nakapagpa ultrasound para malaman if naka posisyon na ba si baby, di pa ko nakapag pa check up sa birthing na pagaanakan ko. Wala pa kasing budget mga mommies. Pray pray lang makukumpleto ko din lahat ng kailangang gawin bago ako manganak, in Jesus name. 🙏 Kaway kaway sa mga #teamseptember mommies! Kaya natin to nawa'y maipanganak natin ang mga baby natin na safe at healthy tayo both. 🙏🙏🙏 #teamseptember #firstbaby #1stimemom
Read moreMga sis bat ganun sa baba na yung sipa ni baby. Nung nakaraang araw sa right ribs ko yung sipa nya napapaaray pa nga ako kapag bigla sya sumisipa. Bakit kung kelan malapit na bumaligtad na yung sipa nya nasa babang left side na at yung sa may right ribs ko naman na bumubukol yung ulo nya. Nastress ako mga momsh ayaw ko pong ma cs 😔 #1stimemom
Read more