Need advice
Need ko po ng advice. Nagpaschedule na ako for CS since may history po ako ng schemic stroke. Hindi na rin po ako nagwork dahil nag-ingat kami dahil nagkamiscarriage na ako before. So single income po kami ngayon. Sakto lang po ang income sa expenses namin. Di namin afford ang yaya. Ngayon po, isa sa mga di namin mapagkasunduan ng mister ko ay ang pagbisibisita ng kamag anak. Ako po kasi ayaw ko muna sana dahil naaanxious po ako pag may ibang tao sa bahay (diagnosed po ako with anxiety). As in kahit sarili ko pong magulang ayaw ko papuntahin. Sya naman po sabi nya need ko daw po ng kasama pag araw dahil nga may trabaho sya. Lalo't CS daw ako. Ang gusto naman po ng magulang nya araw araw namin ibyahe ang bata papunta sa kanila. P.S. magpapaternity leave naman po si husband kaso 7 days lng kasi yun. Kaya yung setup after that ang pinoproblema namin.