Ask. Ko lang po

Hello po mga momshie Hindi po ba delikado na ipahilot Yung tummy para po maiayos Yung position ni baby ko 34 weeks 4days po Breech po kasi sya

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Share ko lang experience ko sa 1st baby ko. sinabihan ako ng byanan ko magpahilot kaya sumunod nmn ako 40 weeks na ako nun kinaumagahan nagpahilot ako tapos pagdating ng madaling araw may contractions na agad nag punta ako sa ob ko close pa cervix ang nangyare di ako inaasikaso kahit may nararamdaman na kong sakit ang ending admit sa mamahaling hospital kase di ko na matiis ang sakit kailangan induce labor na pra ma open ang cervix ayun tuloy napalaki kami sa gastos.

Magbasa pa

For me po okay naman ang hilot basta yung magaling po at hindi yung basta hilot lang na masabi. Ako po kasi mababa ang matres ko lagi nasakit ang puson ko kahit na normal naman lahat ang lab test ko lalo ang urine test ko. So after ko po nagpahilot nagging ok pakiramdam ko di sumasakit ang puson ko. And take note 4months palang po tyan ko pero nafefeel kona po yung movement ni baby.🥰 Ingat lang po sa ibang manghhilot na di naman talaga marunong mi.

Magbasa pa

Nakakasama po ang magpahilot baka lalo ka pa mapasama at mag premature labor sis.. Based sa experience ko breech ako since 2nd trimester hanggang 36weeks pero nakasched kasi ako CS ng 37weeks dahil may GDM din ako.. So akala namin breech pa rin nun pagka open sa abdomen ko naka cephalic na si baby. In short hayaan mo lang iikot yan ppwesto yan pag malapit ka na manganak.

Magbasa pa

Ung iba po naniniwala sa hilot. Pero Sabi po ni OB wag daw po. kahit ako ayoko pahilot hayaan po na si baby ang kusang iikot . try nyo po ung sound or ilaw .kausapin nyo po si baby ☺️❤️ mas safe po un kaysa hilot mamaya po mapwersa si baby bumuhol or Baka ma cord coil si baby mas delikado po un... Better safe than sorry.

Magbasa pa

mommy yung friend ko 34 weeks preggy breech din ginawa nya nagpapa tugtog sya sa bandang puson nya nung next check up nya cephalic na pwesto ni baby nya naka pwesto na hehe bka lang naman mamsh wala naman mawawala pag triny mo din

For me okay lang ang hilot, nagpahilot kasi ako nong 38W nako kasi suhi talaga si baby. Mas maganda if ang hihilot sayo is yong matanda na na dating nagpapa anak dati kasi maalam sila. Pero it's still up to you. ☺️

hi tanong ko lang po pwede po kaya na manormal ko sya mailabas kahit kakaopera ko pa lang sa bato sa ado last nov 20. 7months na po kase ako ngyon na buntis . may same case po ba ako dito 😔 nag aalala po kase ako

natry ko na po nagpahilot sa 1st baby ko sa midwives, naiayos naman po niya pero as per ob hangang nasa tummy pa natin si baby umiikot parin yan. wait mo nalang kasi may weeks kapa for the delivery.

No sa hilot, magpa sound ka nalang sa paahan mo at kausapin mo si baby. Delikado ang hilot baka ma cord coil pa baby mo

Its a no for me. Hindi ko iririsk yung anak ko for that. Kung dapat CS, let her/him be.

Related Articles