Transverse lie breech

Good morning mga momshie.. transverse breech po si baby ko parang ganito po yung position niya now baka daw po maCS ako may possibility po ba na mag bago yung position niya at maging ND po ako.. 34 weeks na po ako..

Transverse lie breech
35 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Iikot pa po yan to d ryt position.. ng traverse lie position nmn din aq... svi ng ob q f d iikot ma CS aq... pro bka irequire ka ulit ng ultrasound kc gnun gnwa s aqn.. I pray hard lng na msaktong position na... s awa ni Lord ok nmn na... i gave birth to a normal delivery last november 29... Just pray hard lng po... it works! Kausapin u rin c baby... nkikinig at sumusunod po cla

Magbasa pa

Ganyan position nang baby ko 38weeks sya,nilagyan ko flashlight sa bandang puson everynight,tapos patugtog din ako bandang puson,,every morning lakad2x ako nang mga 1hour,tapos kausapin mo si baby..sa awa nang diyos, pagka 39weeks niya cephalic position na si baby..😍🤗

Parehas tayo mamsh, 35 weeks na ako at ganyan sya sobrang hirap ako humiga kasi bumubukol sa both side or minsan pa patabingi...gnagawa ko nalang magpatugtog sa bandang puson, magpailaw sa bandang puson, trinay ko.din ung inversion na tutuwad ka,maglakad lakad..pero sana umikot pa..

Ganian din po ako at 37 weeks. Pinakaba lang ako ng OB na ic-cs ako. Then I just continue walking for an hour or 2 every morning and use naman ng birthing/yoga ball in the afternoon. At 38 weeks nagpa-UTZ ako, cephalic na si baby. Just waiting to pop now. 😊

Iikot pa yan momsh. Ako nga po cephalic siya nung 39weeks na ko, tapos nung manganganak na ko akala ko normal delivery ako, as in 10cm na ko, ayun naemergency cs po kasi last minute umikot pa si baby nagtransverse siya kaya di makalabas.

ako sis ganyan dn baby ko nung 7 months ang gnawa ko lakad lakad lng sis para umikot atska sbi nila magplag ka ng mhsic sa tyan mo para gumalaw sya at mag open ka ng flashlight sa tyan mo kasi sinusundan nya un

Ganyan din ako momsh last check up ko December 23, pero kung sayo iikot pa yan momsh. Mahaba pa naman po araw, basta kausapin mo lang si baby, o kaya tapatan mong music para umikot. Goodluck mommy!!

VIP Member

Ganyan din sakin 33weeks. Then umikot pa siya nung mag 36weeks na siya. Nakapwesto na siya ngayon. Umiinom lang ako maraming tubig tapos malamig para kumulit siya at umikot ikot

Wag masyadong ma stress kasi po iikot po si baby 33 weeks breech po bby ko pag ultrasound nun 37weeks naging cephalic na. Pa ultrasound ka again pag 37weeks na po.

pwede pa po umikot yan, breech din saken last then ngpaultrasound ako ng 36 weeks nka ikot na po at ngayon nka pwesto na si baby ko😊