Kasal ang tatay ng anak ko

Hello po mga momsh, need ko lang po ng advice, single mom po ako with 2yr old son. Nagkaroon po ako ng boyfriend ngayon pero kasal po siya 10yrs na silang naghiwalay. Mutual decision po yun. Ngayon po kasi nalaman kong buntis ako dahil nagpaserum PT po ako. Government employee po ako. Takot at nahihiya ako ngayon sa situation ko. Halos punapasok po sa isip ko na iabort ang baby. Nag away pa kami ng parents ko kasi pumatol ako sa may asawa. Sabi ko pa sa parents ko di ko na uulitin ang nagawa ko dati na nabuntisan. Tapos ngayon ito stress dahil sa situation ko kasi buntis ako sa isang kasadong lalaki #pleasehelp #advicepls Gusto ko ikeep ang baby kaso parang nadedemonyo ako dahil sa situation ko

Kasal ang tatay ng anak ko
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hiwalay naman siya for 10 years kaso hindi si annul.. Hmm ako yung asawa ko ngayon hiwalay na din sa unang asawa niya for 11 years at may iba na din asawa.. Hindi niya sinabi sa akin na kasal pero eventually nasabi na din sakin masakit mamsh kasi madaming mga marites sa paligid pero di ko niisip yun desisyon ko eh at tsaka masaya at nagmamahalan naman kami.. He decided to have an annulment year 2019 then last quarter of 2020 annul na siya.. 2021 kinasal na kami... Ngayon buntis ako first baby namin.. Di biro yung pinag daanan namin.. Tanggap na din siya ng parents ko.. Advice ko sayo mamsh ask him kung anong plano niya sa inyo ni baby.. At sa kasal niya dati.. Then kung ano ang desisyon niya diyan ka po mag decide.. Ipagpatuloy nyo po yung pagbubuntis nyo.. Kawawa naman si baby blessing po yan.. Yung mga marites na co workers mo wag mo ng pansinin focus ka po sa baby nyo.. Tapos wag kalimutang mag pray for your peace of mind at kung ano ang dpat nyo pong gawin.. God bless mamsh..

Magbasa pa
2y ago

nakokonsensya nga po ako momsh .. everytime isipin ko na alisin sya parang ang sakit2 .. hahayaan ko na po ung ibang tao .. si baby nalang po iisipin ko

TapFluencer

sa tingin mo Po ba pupunta ka sa langit kapag pumatay ka.since abortion is also killing an innocent one. the best thing to do and right thing to do is to keep the baby Dahil wla xang kasalanan and don't continue the concubinage relationship with the guy. Hindi maitatama Ng Isa pang kasalanan Ang naunang kasalanan.. keep the child be a good parent but don't use the child to continue your sin with a married man...yes hiwalay na sila but still it's a mortal sin na makiapid sa may asawa n. just focus with your baby Kasi Hindi lahat binibiyayaan na mgkaanak. Isa ka sa napili ni god at biniyayaan na maging Isang Ina na Hindi lahat ay nabibigyan pagkakataon dahil you are chosen and destined to be a mother so that means god has plan for you in the future. be a good mother but don't continue what is not good in the eye of our god.wag mo Po pansinin un ibang tao Kasi Kay god nkasalalay Ang buhay at kamatayan hindi sa Ibang tao....be strong and do the right thing

Magbasa pa

hello momshie,advice ko po sayo keep mo po si baby at alagaan kasi wala naman pong kasalanan si baby kung nabuo man sya take the risk po ganun talaga maraming maritess sa paligid but still isipin mo nlng po na hindi naman sila ang gagastos sa panganganak mo at take note po wala ng taong perpekto lahat tayo nag kakamali at hindi lang po ikaw may ganyang sitwasyon. Kasi mas magkakasala ka at karma pa ka pag ka inabort po lang bata,wala man po ako sa sitwasyon mo pero mauunawaan ko na nag mahal ka lang sa maling tao.pero hopefully na kahit na kasal sya eh gawin nya pa din lang obligasyon nya sayo. may friend kasi ako na same sitwasyon mo.. kaya naiintindhan ko na d naman lahat ng Mali sa babae nasa lalaki din.

Magbasa pa

please no 🙏 walang kasalanan ang bata may buhay po yan at hindi niya deserve na gawin yan sa kanya. Marami po ang humihiling sa Diyos na mag ka-anak sila kaya momsh blessing yan hindi mo man nakikita ngayon dahil ang nararamdaman at nakikita mo puro negative sa paligid tingin ka lang sa Taas kasama mo ang Diyos sasamahan ka Niya kaya please wag niyo po ipalaglag pansamantala lang po ang stress at galit sa inyo ng magulang niyo pero pag ipapalaglag niyo ang bata habang buhay niyo po yan dadalhin. be strong and keep the faith ❤️

Magbasa pa

fight lang sis,, sus eh ano naman kung kasal ung tatay,,blessing yan c baby at wala naman yang kasalanan ,,, hindi mo pwedeng itama ang isang pagkakamali ng isa pang mali tandaan mo yan sis, at nasa sampung utos ng dyos na bawal pumatay ,,, may buhay na yan , punuuin mo nalang c baby ng pagmamahal , anjan na yan eh parehas nio naman ginusto yan kaya face the consequence ,anyways congrats sis ,, fighting lang ,, wag mona icpin muna magulang mo , sa una lang tlga cla galit pero pag nakita na nila apo nila matutuwa na yan

Magbasa pa

hello mamsh ang kasal eh sa papel lng yn wag mong gwing bigdeal pra lng mpag icpan na ilaglag c baby kz dnmn sya ddting sau kung d bngay ni god .. idaan mo lng sa dasal yng chismis sa una lng yn pg lumbas n ung baby ehh mttpos dn cla pg usapan ka and isa pa kht mging single mom ka ulit its ok d lng nmn ikaw ang nkranas nyan mas mdaming worst pa sa klgayan mo ..and lastly ang mgulang sa una lng glit yn pg nkta n nla ung apo nla is mttngap n nla lht ng sitwasyon mo dka nla mttiis kz mgulang cla

Magbasa pa

Eh mutual decision naman pala na maghiwalay sila so ano pang problema dun? Pinasok mo yang ganyang sitwasyon tapos ngayon idadamay mo yung batang nabuo nyo? Dapat panindigan mo yan kasi ginusto mo yan. Sana gumamit kayo ng proteksyon kung di ka ready na mabuntis ka nya. Wag mong solusyunan ang pagkakamali mo ng isa pang pagkakamali. Yung iba nga dyan, di pa hiwalay sa asawa partner nila pero sila pa matapang. I-keep mo yang baby te. Walang kasalanan yan sa kasalanan nyo, okie?

Magbasa pa
2y ago

salamat po momsh, thank you talga sainyo na mga nagpapalighten ng mind ko ... i will keep this baby .. bahala nau ng paanghusga

Kaya mo yan mamsh. Akala mo lang mahirap ngayon. Kasi overwhelming pa. Pero pag anjan na si baby. Worth it lahat. Wag mo isipin sasabihin ng ibang tao. Hinde naman sila gagastos para sa pagbubuntis mo. Ung parents mo naturally disappointed yan. Kasi magulang sila. Syempre they want the best for you. Pero pag anjan naman na si baby wala naman sila choice. Praying for you sis. Pray ka lang din. Makakaya mo yan.

Magbasa pa

Ituloy nyo po yan sis kwawa nman ang baby,,mahalin nyo po yan at blessing po yan,,hindi lmg ikaw nagkaganyan marami pang iba at mas malala pa jan buti nga eh hiwalay nman sya sa asawa niya malay mo kayo tlga diba?tanggapin mo yan ng buong buo wag mo isipin ang sasabihin at husga ng ibang tao ,normal lng yan sa buhay natin meron at meron tlgang mahilig mangialam sa buhay nang may buhay,,choose to be happy

Magbasa pa

we are on the same situation but the only difference is my family welcomed the new life and took it as a blessing instead. pakatatag ka lang momshie, kaya mo yan. nagawa mo nga sa unang baby mo, imposibleng hindi mmo magawa ulit. wag mo isipin ibang tao dahil at the end of the day ikaw at si God lang ang may karapatang mag desisyon para sa baby mo. All the love to you and to your babies!

Magbasa pa