Kasal ang tatay ng anak ko

Hello po mga momsh, need ko lang po ng advice, single mom po ako with 2yr old son. Nagkaroon po ako ng boyfriend ngayon pero kasal po siya 10yrs na silang naghiwalay. Mutual decision po yun. Ngayon po kasi nalaman kong buntis ako dahil nagpaserum PT po ako. Government employee po ako. Takot at nahihiya ako ngayon sa situation ko. Halos punapasok po sa isip ko na iabort ang baby. Nag away pa kami ng parents ko kasi pumatol ako sa may asawa. Sabi ko pa sa parents ko di ko na uulitin ang nagawa ko dati na nabuntisan. Tapos ngayon ito stress dahil sa situation ko kasi buntis ako sa isang kasadong lalaki #pleasehelp #advicepls Gusto ko ikeep ang baby kaso parang nadedemonyo ako dahil sa situation ko

Kasal ang tatay ng anak ko
30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello momshie,advice ko po sayo keep mo po si baby at alagaan kasi wala naman pong kasalanan si baby kung nabuo man sya take the risk po ganun talaga maraming maritess sa paligid but still isipin mo nlng po na hindi naman sila ang gagastos sa panganganak mo at take note po wala ng taong perpekto lahat tayo nag kakamali at hindi lang po ikaw may ganyang sitwasyon. Kasi mas magkakasala ka at karma pa ka pag ka inabort po lang bata,wala man po ako sa sitwasyon mo pero mauunawaan ko na nag mahal ka lang sa maling tao.pero hopefully na kahit na kasal sya eh gawin nya pa din lang obligasyon nya sayo. may friend kasi ako na same sitwasyon mo.. kaya naiintindhan ko na d naman lahat ng Mali sa babae nasa lalaki din.

Magbasa pa