ninang and ninong
Hi po mga moms, ilan po ang dapat na ninong at ninang ng baby natin?
depende po kung gano nyo pinagkakatiwalaan yung magiging ninong at ninang....dapat yung kilalang kilala nyo na and kaya nyo iwanan baby nyo ng hndi kayo nangangamba...kase 2nd parents sila na gagabay sa paglaki ng baby nyo. ang nangyayare po kase satin is para sa mga regalo kaya dumadame and kukuha ng may maayos na katayuan sa buhay. ang kunin nyo lang po is yung kaya gabayan si baby may magandang pag uugali na kaya nya maimpluwensya sa anak nyo.
Magbasa padipende po sainyo. pero kung pipili ka dapat ung tunay na kaibigan hindi ung mayaman or big time para malaki yung bigay tuwing pasko, bday o kahit ano pang okasyon. basta yung turo nila bilang isang ninong o ninang. para na din kasi sila ung pangalawang magulang
Kayo po ang bahala, pero sakin mga close friends ko lang balak ko kunin, di yung isang beses ko lang nakita. Mas maganda po kasing kilala yung anak nyo, at kilala ng bata yung ninong ninang, syempre dapat tingin nyong good example as second parent yung kukunin.
Dpende po, para sakin tig isa lang, yung talagang close mo na sure ka magiging pangalawang magulang ng baby mo. Di naman dapat pinaparami ang Ninong Ninang para mabawi ang gastos sa binyag. Ang mahalaga yung alam mo na di pababayaan ang anak mo.
Depende po sa inyu mommy, but better choose your child's godparents nakakadismaya kasi yung iba na mag cocommit pagdating sa seminar and binyag di rin pupunta. Choose who will love your child like their own po
yung sa baby ko hindi ko na mabilang ilan lahat kase dahil late bloomer na kaming mag asawa at iniisip nila na baka di na ulit kame magka baby pa kaya lahat nalang ng gusto maging ninong at ninang ☺️☺️
Dalawa tatlo lang dapat. dito kasi sa pinas paramihan ng ninong ninang para marami pakimkim ang anak. parang nawawala na yung talagang meaning ng binyag or bakit kumukuha ka ng ninong ninang.
Depende po yan sayo mamsh, mas ok kung ka close mo lahat ng kukunin mo para ma build pa lalo ang friendship nyo and sympre para mag silbing gabay at mabuting God parents sila kay baby po
kahit tig dalawa lang na pares sis eh. okay na basta close mo at kilala mo tlga eh. di naman need bongga pag binyag importante mabinyagan ang baby :)
depende nmn po sa inyo yan mommy eh pero dun sa simbahan 5 pares lng ang lagayan dun bale 10 person lng pero pede nmn kayo sumobra akin 12 eh hehehe