placenta previa
hi po mga mommy. Sino po kaya may same case sakin na placenta previa, grade 0? Ano po ibig sabihin nun? Ang sabi po kasi ng sonologist pwede daw po ako maCS pag ganon. Ano po pwedeng gawin para maagapan? 15 weeks preggy here. Salamat po sana may makasagot
Ang Placenta previa po ibig sabihin ung inunan/placenta ni baby ay naka block sa dadaanan nya palabas. Kung baga nandun sya malapit sa cervix. Anterior placenta po is pag nasa unahan Ng baby Ang placenta so Kung sa katawan po ni mommy Ang pagbabasehan, parang ganito po, skin and fats Ng tyan mo, then placenta then si baby,most of the time di mo masyado maramdman movement ni baby pag ganito. Posterior placenta meaning skin/fats Ng tyan, then si baby then placenta. Mas ramdam movement ni baby since directly nya pwede masipa si tyan o skin ng tyan. Both posterior and anterior placenta ay normal. Ang problema po sa placenta previa sa ilalim sya nakapwesto, chances are pag bumibigat si baby, nape press nya un at pwede ka duguin. Kaya nirerecommend nila na CS na lang Kasi kahit mag labor ka at nakaharang placenta nya mahihirapan ka din.
Magbasa paHi Mommy kapag po may plancenta previa, yun pong inunan na tinatawag ay nakaharang sa labasan ng baby o yung cervix na tinatawag natin kaya po nasabi ng OB mo na candidate ka for CS operation kasi nakablock sa ngayong yung inunan mo sa lalabasan ni baby however may cases na nag mo move ang placenta ng location while the baby is growing. Mahalaga for you to do your check ups regularly kasi high risk pregnancy yan kapag nagkataon na di mag move ang placenta. Hope this helps
Magbasa pahi mommy! same case nung preggy ako pero ako nagstart yung sakin na placenta previa totalis at 13 weeks kaya bedrest talaga ako.. in your case marginalis ka naman and 15 weeks ka pa lang kaya malaki pa yung chance na tumaas yung placenta mo.. bedrest ka lang, wag magkikilos.. lagay ka din ng pillow sa may bandang balakang pagnakahiga tapos ielevate mo yung legs mo.. :) CS talaga kapag placenta previa pero dont worry kasi mahaba pa yung time mo.. pray lang tataas din yung placenta mo :)
Magbasa paNadiagnose rin ako nyan nung 14-15 weeks ako. Then at 22 weeks, nahospital ako due to preterm labor. Tapos inultrasound ako, nalaman na mid-lying placenta na which is good news. Naagapan dn ung preterm labor. Nung 28 weeks naman, nagpaCAS ako, high lying placenta na. Normal dn lahat kay baby. Basta since nagbuntis ako, continuous lang sa vitamins na reseta sa akin, sa pampakapit, try ko rin laging left side matulog at higit sa lahat, limited lang ung pagkikilos.
Magbasa paPlacenta previa ako turning seven months teenage pregnancy, yung sa case ko di naman nirecommend na mag bed rest pero doble ingat ang sinabi then nagreseta ng pampakapit, yung duphaston. Then sinabi rin na iwasan yung makipag sex kasi delikado. Hopefully pag laki ng baby mo maiikot nya yung placenta para tumaas
Magbasa paI was placenta previa at 20weeks. May chance pa mag adjust yan sis. Rest ka lng and lagay ka ng unan sa lower backnoag natutulog. Iwas sa stress and most importantly, pray po. Yung sakin still total previa at 30 weeks. D naq nkapag utz ulit nung 35 weeks kasi nag lockdown na. I gave birth at 37wks and 4 days via scheduled CS.
Magbasa pahimasin mo lng sis paikot tummy mo. tapos patugtog ka nursery rhymes malapit sa baba mo para pumwesto dun ulo ni baby. effective naman ganyan ginawa ko para umayos pwesto ni baby at tumaas yung placenta. pray ka din n maging maayos lahat mas maganda kung naririnig ni baby para maki cooperate sya
Ako din medyo previa nung 14 weeks. Itinataas ko feet ko tas may unan sa balakang kahit habang nagpapahinga lang. Nung nagpa checkup ako ng 22 weeks angat na placenta ko and hindi na din previa. Pag pray nyo din po at kausapin si baby na isama nya sa pag angat ang placenta habang lumalaki siya
No sexual contact. Mostly rest ka lng. Hindi advisable maglakad lakad, pati long travel via land pinagbawalan ako ng OB ko bawal matagtag. Possible ka kasi duguin without any signs of pain. 31weeks na ko and naka position na si baby 😊😊
hello aq 24weeks placenta previa follow up ultrasound pag 8months at sana tumaas placenta q kz pag hindi panigurado Cs sabi ob q.. pray lng tau mga mommy🙇🙇🙇🙇 nsa sana mging normal pati c baby
Mama bear of 1 handsome cub and another one on the way