Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
5cm
Hi mga momsh! Nagpacheckup ako kanina at 5cm na pala ako. (Yay!) 2 weeks kasi ako stuck at 2cm. 2 weeks din nagtake evening primrose orally. Pero wala ako maramdaman na pain ngayon at 5cm. Ano po mga pwedeng gawin para makaraos na? 39w1d nga pala ako today.
Signs of labor?
Hi! Currently 36 weeks and 6 days na ko today. Bukas 37 weeks na. Nitong nga nakaraang araw, madalas na sumakit puson ko. Mabigat. Umaabot hanggang hita yung sakit. Pero nawawala rin sya. Everyday yun. Tapos mula kahapon, marami na white discharge ko. Meron po ba dito na puro puson lang ang nasakit? O dapat pati balakang din para ma-consider naglelabor na? Ano pa po mga signs? Tia! ?
36 weeks
Mga mommy na ka-same weeks ko, ano na po nararamdaman nyo? Ako hirap humanap ng pwesto pag nakahiga. Ang bigat ng tyan ko. Pag nakaupo naman. Ang sakit sa private part kasi panay siksik nya. Minsan parang lalabas na sya. Tapos yung feeling na para kang magkakaroon. Masakit sa puson. May kaunting white discharge na rin ako. Walang masakit sa balakang, more on sa puson. Malapit na ba ako manganak nito?
Heart palpitations - 32 weeks pregnant
Hi. Tanong ko lang po kung normal ba ang heart palpitations? Naramdaman ko po sya kaninang hapon. Tapos ngayon po ulit gabi pagkatapos kumain. Dala lang po kaya ng init ng panahon ‘to? Hindi pa po ako nakapagpacheckup dahil close clinic ng OB ko (ECQ).
32 weeks
Hi mga mommy. Tanong ko lang kung normal ba sa ganitong week ang paninigas ng tyan? Pero nawawala rin naman. Tapos sumisiksik sya sa kanang part ng tyan ko. Masakit. Minsan naman sa may puson sya sumisiksik. Mas masakit. Umaabot gang hita. Parang namamanhid. Ang bigat na rin sa pakiramdam pati sa private part ko. Hindi pa po ako makapagpacheckup gawa ng quarantine.