Depress!
Hello po mga mommy! Penge naman po ng lakas ng loob jan nanghihina at napapagod na po kasi ako sa araw araw na stress at problema na di na matapos tapos naawa na din po ako sa baby ko kasi pati nahihirapan dahil sakin 20weeks na po akong buntis at laging pumapasok sa isip ko magpakamatay nalang para di na kame mahirapan parehas! π

Mommy kaya mo yan. Wala naman atang tao ngayon na walang problema. Kahit mayayaman may mga problema din. Huwag kang pakastress. Isipin mo na lang may dala-dala kang isang malaking blessing. Ako nga single mom. No support sa father ng baby ko. Single and working mom. Ang hirap kasi stay out yung nakuha kung yaya. But everytime nag bobond kami ng baby ko nawawala lang din yung pagod ko. Someone so little is depending on us kaya kakayanin.
Magbasa pa