Ask lang po mga mommy

Hello po mga mommy ano po kaya pwede ilagay sa ulo ni baby 2months old po. Parang naglalangib po yung sa taas na part ng ulo nya.

Ask lang po mga mommy
52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

May ganyan po si baby ko dati, atopic dermatitis po yan or cradle cap. Bago po maligo si baby, lagyan nyo po oil or virgin coconut oil. Change his soap po, dapat mild lang like cetaphil or mustela. Nawala yung ganyan ni baby nung gumamit kami ng mustela products for atopic dermatitis. Pricey pero nakatulong sya para gumaling yung ganyan ni baby. Pwede nyo rin po consult si pedia ni baby if ano po recommendation nya

Magbasa pa
VIP Member

I tried VCO Bgo maligo, ngdry xa. I tried Petroleum jelly them mglagay daw ng warm cloth sa ulo mga 5 mins before maligo.. Tpos I brush MO mga after 2days Para mejo malambot NA.. As per my pedia Yan.. Pag hindi PA rin, try nyo sebclair cream! Effective xa.. Mga 2-3 times a day.. Mabilis xang lumambot tpos brush MO lng din.. Expensive lng.. Mga 600php..

Magbasa pa
VIP Member

Hindi masyado dn nbbanlawan yan guroh sis.. Pag masyado n makapal lagyan mu ng coconut oil, wag baby oil kasi mainit yun.. Lagay mu cya 30mins before bath nya, then suklayin mu ng malambot n brush tanggal agad yan.. Ganyan kasi gnwa k kay baby, 3 days lng malinis n ulo nya.. Heheh!

Magbasa pa
VIP Member

Yung baby ko, mag 3months na konti lang cradle cap. Mas nakakadami kasi pag nilalagyan ng oil. Hinahayaan ko lang tas pag maliligo mild shampoo at konting massage sa buhok habang nililiguan. Never ako naglagay ng oil sa ulo ng baby ko hehe.

Ganyan din sa baby ko momsh.Before siya maligo Lagyan nyo po baby oil using cotton balls tapos suklayin mo momsh pataas ng dahan dahan, effective kay baby lumalambot yan then sumasama sa brush. Ayan na po yung kay baby konti nalang :)

Post reply image

Parang cradle cap mommy. Nagka ganyan din si baby ko noon. Ginagawa ko bago sya maligo pinapahidan ko ng baby oil gamit cotton ball. Tapos babad lng ng 15mins. Tapos gently lng na kuskusin gamit ung cotton ball na may baby oil👍🏼

Cetaphil ang gamitin mo tapos pag kLigo e d malambot cya suklayin mo ng brush sa buhok na png baby ng dahan dahan lng try mo rin kung d cya allergy sa langis kaso maiinit panahon wag mo na rin lagyan matatangal din yan

Oil po ng coconut mganda mommy pra hindi mlagas buhok nya ibabad nyo tpos ung bulak lagyan nyo din ng cocnut oil sasama po s bulak gnyan po giamit ko kay baby nwala agad ung baby oil po kc mainet dw po kya nglalagas buhok

Baka po nilalagyan nyo ng baby oil yun head kya nagkkaganyan dpat ang baby oil sa body lng ,naba block daw kc ang oil glands sa ulo dati ganyan yun first born ko sabi ng pedia wag lagyan sa ulo ng baby oil

yung kay lo po pinabayaan ko muna at hinayaan kong matuyo tapos nung tuyo na at di na namumula pag tinatanggal, nilagyan ko ng baby oil tapos suklay gently bago maligo. Ulit ulit everyday hanggang mawala