DECISION IN LIFE :)
Hello po mga mommies, Need ko lang po advice nyo. I'm 27 na po and may anak na po ako isa 3yrs old. Ayaw po ako pakawalan ng magulang ko para sumama sa daddy ng baby ko, sila din po kasi gumastos sa panganganak ko dahil graduating palang po nun partner ko ayaw din nila sa kanya :( and ngayon po may work na po siya and kaya naman. Ang set up po namen padalaw dalaw lang po yung partner ko sa anak namen. Nahihirapan na po kmi sa situation namen pati daddy ng baby ko kasi minsan nya lang kmi makasama lalo na may covid ngayon, and gusto na din po ng partner ko bumukod kami, kaso naiipit po ako sa situation ko. Naiipit po ako sa utang na loob ko sa mga magulang ko dahil sa naitulong nila saken. Desidido na po ako umalis samen and nagtry kami kausapin magulang ko ayaw tlaga. I need advice po about this. Thanks! wag nyo po ako i-bash.