Mommy, wala pong epekto yung transV sa pagkawala po ng baby mo. Sorry po ha. Yung baby kasi (embryo tawag pag parang dugo pa lang) nasa loob po ng matris yan at hindi po pinapasok sa loob ng cervix ang machine na pang transV kaya wal pong epekto yun. Possible po na manipis na talaga yung matris mo kaya po walang mahigpit na kakapitan si baby kaya po nawala. About naman po sa hindi pag raspa, kung nailabas mo naman po lahat ng products ng conception hindi po talaga niraraspa kasi kagaya mo po manipis na ang matri mas lalo pa yan ninipis kasi ini scrape po nila yan para linisin at hindi ka duguin. Madadala naman po ng gamot yan kung nailabas mo na lahat at walang natirang fragments sa uterus mo. Sorry for your loss mommy. 😔
1 month - 3months tvs talaga sya ksi nga hindi sya ma dedetect kung hindi tvs ang gagawin at alam ng nag uultrasound yun ako nga hangga 2months tvs ako e 3x ako na tvs ksi may bleeding ako sa loob niresetahan ako ng pampakapit ni ob,chaka kaya hindi ka niraspa ksi manipis na yung matris mo at binigyan ka naman ng gamot ni ob mo kung iraraspa ka lalo ninipis yung matris mo at mahihirapan ka magbuntis ulit.nakunan din ako before hindi na ko niraspa kasi 5weeks palang tiyan ko or 1month lumabas sya ng kusa,sabi nga nila kung hindi para sayo hindi talaga sya para sayo time heals all wounds may plan si God tiwala lang.
Wala ksi after ko nakunan na tvs ako ulit nun at wala na nakita sa loob ko..2 or 3 days lang nag stop na yung bleeding ko nun..no need to raspa lalo na kung 1 month palang tiyan mo atchaka na tvs kanaman ulit wala na nakita dba chaka manipis na yung matris mo wag mo na ipagpilitan pa na i raspa ka lalo na sinabi na ni ob mo na di na ganun kakapal matris mo baka mahirapan ka mabuntis ulit.
2x din ako na transvaginal ultrasound during first trimester. Transvaginal ultrasound po talaga ang ginagawa pag 1-3mos pregnant. Normal naman lahat medyo maaga nag mamature placenta ko kaya ako dinudugo pero may nireseta sakin na 2 gamot. Ngayon 4mos pregnant na ko. Next ultrasound ko pelvic ultrasound na. Pagaling ka agad sis tapos hingi ka na din payo sa doctor para di na maulit yung miscarriage mo. Stay strong, your baby is now an angel watching over you.
Thank you sis. You make me cry🥺😭
Itong mommy na to, nagtatanong pero walang naiintindihan sa mga sagot sa kanya. Naghahanap lang ng kakampi na mali yung Ob sa pag TVS sa kanya. Masakit yang nangyari sayo, pero alam mo, hindi tvs ang cause ng miscarriage mo dahil wala naman sa vagina (ung pinapasukan ng penis kapag nakikipag sex ka) yung baby mo. Nasa loob sya ng uterus. Between vagina and uterus ay ang CERViX.
Sang scam naman yang imbento mong nagpa second opinion ka? Alam nang lahat dito na ang pelvic ultrasound hindi aplikable sa first try kaya galingan mo naman mag imbento.
Sad nmn mommy,pro ung tranvi un po tlga pra sure n mlamn n buntis,6weeks dn ako,wla png heartbeat,pinabalik ako after 2weeks meron ng heartbeat , wla nmn problema. Pro sana na explain ng mabuti sayo ng ob mo Tsaka my bleeding kna eh,my ibibigay yan na pampakapit. Bilin lgi ng ob ko pg my bleeding or pgdudugo d normal sa buntis ,balik agad sa hospital khit anong oras.
Opo hindi po nila na explain sakin totally lahat then pinaiinom nila ako ng gamot for now then balik ako sa Friday for another tvs 😭
On my 1st trimester every week ako nag undergo ng transV kasi minomonitor ung baby. Possible na ung bleeding mo is internal tpos saka sya lumabas. Hnd naman matatamaan ng pag trans V sau si baby sis. Baka hnd kna niraspa kasi baka nailabas mo mo na.lahat ng blood. Pwde ka din lumipat ng ibang OB for.second opinion. Just keep on praying lang
Yes po this coming Friday po may 2nd option po kami😭
Transvaginal din po ako 8weeks nung in ultrasound ako malakas ang heartbeat ni baby pero mahina ang kapit, then after that binigyan ako pampakapit ni ob sa awa ng dios makapit na c baby ngayon. Minsan mahirap talagang tanggapin pero lakasan mo po loob mo wag mawalan ng pag asa mommy. Samahan na din natin ng prayers. Tiwala lang lang God! 😌
Thank you po.🥺😭
Sis, yung transvaginal ultrasound hindi yun umaabot hanggang tiyan natin. Pero dapat nun binigyan ka ng pampakapit ng doctor dahil nakita na mahina kapit ni baby. Nakakalungkot mawalan ng baby. But trust God's plan in your life. and maintain ka ng iron folic supplement sis laking tulong nun sa atin mga babae. Be strong sis.
Yes pag 2 months transvaginal pa talaga yun kasi di pa ma dedetect si baby nun pag pelvic ultrasound. Iwasan nalang din po mag sex lalo na during first trimester kasi madami ako nababasa na ganyan nakukunan after. Walang kinalaman yung transv sa miscarriage natin.
Sorry to hear that sis. Ako 5 weeks unang ultrasound then 8 weeks. Baka sa kapit yun sis kasi mahina daw. Hindi yun tatamaan ng transvi kasi naka design talaga yun ng sakto lang para sa ganun. Kung tingin mo wala ka tiwala sa ob mo, mag pa 2nd opinion ka sa ibang ob just to make things clear. Para mapanatag ka na din sis
Yes sis I'll do it . Thank you 🥺😭
Actually last year nakunan din ako.. Kasi mahina kapit ni baby.. Obvious naman kasi yung heartbeat nya is below 100.. Indicative na mahina tlga sya.. Masakit tlga.. Pero may plano si god satin.. Keep strong mommy.. Babalik ni god ang nawala.. Sa araw na handa na kayo ni hubby mo..
Thank you so much po😭😭😭
Nina Wilmar Dela Cruz