TRANSVAGINAL ULTRASOUND

Hello po mga mommies tanong kolang po kung normal poba ang i TRANSVAGINAL ULTRASOUND kahit na 1month palang ang tiyan mo? Dahil ako po 2 beses pong trinansvaginal ultrasound. Noong july 3 nag pregnancy test po ako then nalaman ko na buntis ako. Then after that po nagpatingin po kami agad sa metro doctors pagpunta kodun hindi naman ako dinudugo simula nung nag 1month ako hindi naman ako dinugo then nung may pinasok sa pp ko bigla nalang ako dinugo na feel ko na may tinamaan sila sa tiyan ko feel ko si baby kona yun then tapos nun bumaba na ako sa dra. Para kuhain ang results at ayun nga positive na buntis ako ang problema mahina daw ang heartbeat ni baby at mababa ang kapit saka nila sinabi sakin na may bleeding daw ako pero hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit ako dinudugo tapos paguwi ko sa bahay tuloy tuloy parin ang paglabas ng dugo sa pp ko then nung july 6, 2020 9.30 am nagulat ako ng biglang may lumabas sakin na parang balat siya at nakita ko sa inidora hindi ako nagdalawang isip na kuhain at dinampot ko agad yung nakita ko sa loob ng inidora pagkuha ko binuklat ko siya hugis siya triangle na parang may namuong dugo sa laylayan then agad akong komunsulta sa doctor ko at trinansvaginal nanaman nila ako then sabi nung dra. Na humahawak sa TRANSVAGINAL nagulat siya ang sabi niya "HALA DINUGO KA" sabi ko opo doc. Kaninang umaga po may biglang lumabas sa tiyan ko na hugis triangle then hindi na siya nagsalita yun pala wala na yung baby ko😭😭😭 sobrang sakit kasi napaka tagal naming hinantay yung magkaron ng sariling baby kasi mahilig kami ng jowa ko sa mga baby hilig naming manghiram ng baby sa mga kamag anak namin tapos ngayon nawala yung pinakahinihintay namin na parang bula😭 hindi ko alam kung anong gagawin ko pero ngayon hindi niya rin ako niraspa dahil ang sabi niya rin is idaan muna namin sa gamutan pero ngayon nagagalit parents ko and byanan ko dah bakit daw hindi ako niraspa. E ang sabi sakin ng dra kaya daw hindi nkya ako niraspa kasi 1.12 nalang daw ang endometrium kaya dinaan niya muna daw sa medicine at hindi diniretsho sa raspa. Kaya po ako andito para po malaman korin po yung opinion niyo po if tama po ba ang ginawa nila samin ng baby ko😭😭😭 ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala e napapahagulgol parin ako sa tuwing naaalala ko pero ang sabi sakin wag konadaw muna isipin dahil baka mabinat daw ako pero pano ko hindi maiisip ang tagal kong hinantay yun tapos nawala lang na parang bula 😭😭😭 please sabihin niyo po sakin kung ano ang mga opinion niyo po. Salamat po

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy, wala pong epekto yung transV sa pagkawala po ng baby mo. Sorry po ha. Yung baby kasi (embryo tawag pag parang dugo pa lang) nasa loob po ng matris yan at hindi po pinapasok sa loob ng cervix ang machine na pang transV kaya wal pong epekto yun. Possible po na manipis na talaga yung matris mo kaya po walang mahigpit na kakapitan si baby kaya po nawala. About naman po sa hindi pag raspa, kung nailabas mo naman po lahat ng products ng conception hindi po talaga niraraspa kasi kagaya mo po manipis na ang matri mas lalo pa yan ninipis kasi ini scrape po nila yan para linisin at hindi ka duguin. Madadala naman po ng gamot yan kung nailabas mo na lahat at walang natirang fragments sa uterus mo. Sorry for your loss mommy. 😔

Magbasa pa

1 month - 3months tvs talaga sya ksi nga hindi sya ma dedetect kung hindi tvs ang gagawin at alam ng nag uultrasound yun ako nga hangga 2months tvs ako e 3x ako na tvs ksi may bleeding ako sa loob niresetahan ako ng pampakapit ni ob,chaka kaya hindi ka niraspa ksi manipis na yung matris mo at binigyan ka naman ng gamot ni ob mo kung iraraspa ka lalo ninipis yung matris mo at mahihirapan ka magbuntis ulit.nakunan din ako before hindi na ko niraspa kasi 5weeks palang tiyan ko or 1month lumabas sya ng kusa,sabi nga nila kung hindi para sayo hindi talaga sya para sayo time heals all wounds may plan si God tiwala lang.

Magbasa pa
5y ago

Wala ksi after ko nakunan na tvs ako ulit nun at wala na nakita sa loob ko..2 or 3 days lang nag stop na yung bleeding ko nun..no need to raspa lalo na kung 1 month palang tiyan mo atchaka na tvs kanaman ulit wala na nakita dba chaka manipis na yung matris mo wag mo na ipagpilitan pa na i raspa ka lalo na sinabi na ni ob mo na di na ganun kakapal matris mo baka mahirapan ka mabuntis ulit.

VIP Member

2x din ako na transvaginal ultrasound during first trimester. Transvaginal ultrasound po talaga ang ginagawa pag 1-3mos pregnant. Normal naman lahat medyo maaga nag mamature placenta ko kaya ako dinudugo pero may nireseta sakin na 2 gamot. Ngayon 4mos pregnant na ko. Next ultrasound ko pelvic ultrasound na. Pagaling ka agad sis tapos hingi ka na din payo sa doctor para di na maulit yung miscarriage mo. Stay strong, your baby is now an angel watching over you.

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis. You make me cry🥺😭

Itong mommy na to, nagtatanong pero walang naiintindihan sa mga sagot sa kanya. Naghahanap lang ng kakampi na mali yung Ob sa pag TVS sa kanya. Masakit yang nangyari sayo, pero alam mo, hindi tvs ang cause ng miscarriage mo dahil wala naman sa vagina (ung pinapasukan ng penis kapag nakikipag sex ka) yung baby mo. Nasa loob sya ng uterus. Between vagina and uterus ay ang CERViX.

Magbasa pa
5y ago

Sang scam naman yang imbento mong nagpa second opinion ka? Alam nang lahat dito na ang pelvic ultrasound hindi aplikable sa first try kaya galingan mo naman mag imbento.

Sad nmn mommy,pro ung tranvi un po tlga pra sure n mlamn n buntis,6weeks dn ako,wla png heartbeat,pinabalik ako after 2weeks meron ng heartbeat , wla nmn problema. Pro sana na explain ng mabuti sayo ng ob mo Tsaka my bleeding kna eh,my ibibigay yan na pampakapit. Bilin lgi ng ob ko pg my bleeding or pgdudugo d normal sa buntis ,balik agad sa hospital khit anong oras.

Magbasa pa
5y ago

Opo hindi po nila na explain sakin totally lahat then pinaiinom nila ako ng gamot for now then balik ako sa Friday for another tvs 😭

On my 1st trimester every week ako nag undergo ng transV kasi minomonitor ung baby. Possible na ung bleeding mo is internal tpos saka sya lumabas. Hnd naman matatamaan ng pag trans V sau si baby sis. Baka hnd kna niraspa kasi baka nailabas mo mo na.lahat ng blood. Pwde ka din lumipat ng ibang OB for.second opinion. Just keep on praying lang

Magbasa pa
5y ago

Yes po this coming Friday po may 2nd option po kami😭

Transvaginal din po ako 8weeks nung in ultrasound ako malakas ang heartbeat ni baby pero mahina ang kapit, then after that binigyan ako pampakapit ni ob sa awa ng dios makapit na c baby ngayon. Minsan mahirap talagang tanggapin pero lakasan mo po loob mo wag mawalan ng pag asa mommy. Samahan na din natin ng prayers. Tiwala lang lang God! 😌

Magbasa pa

Sis, yung transvaginal ultrasound hindi yun umaabot hanggang tiyan natin. Pero dapat nun binigyan ka ng pampakapit ng doctor dahil nakita na mahina kapit ni baby. Nakakalungkot mawalan ng baby. But trust God's plan in your life. and maintain ka ng iron folic supplement sis laking tulong nun sa atin mga babae. Be strong sis.

Magbasa pa
5y ago

Yes pag 2 months transvaginal pa talaga yun kasi di pa ma dedetect si baby nun pag pelvic ultrasound. Iwasan nalang din po mag sex lalo na during first trimester kasi madami ako nababasa na ganyan nakukunan after. Walang kinalaman yung transv sa miscarriage natin.

Sorry to hear that sis. Ako 5 weeks unang ultrasound then 8 weeks. Baka sa kapit yun sis kasi mahina daw. Hindi yun tatamaan ng transvi kasi naka design talaga yun ng sakto lang para sa ganun. Kung tingin mo wala ka tiwala sa ob mo, mag pa 2nd opinion ka sa ibang ob just to make things clear. Para mapanatag ka na din sis

Magbasa pa
5y ago

Yes sis I'll do it . Thank you 🥺😭

VIP Member

Actually last year nakunan din ako.. Kasi mahina kapit ni baby.. Obvious naman kasi yung heartbeat nya is below 100.. Indicative na mahina tlga sya.. Masakit tlga.. Pero may plano si god satin.. Keep strong mommy.. Babalik ni god ang nawala.. Sa araw na handa na kayo ni hubby mo..

5y ago

Thank you so much po😭😭😭