41 weeks
Hello po. May mga mommies po ba dito na nanganak ng 42 weeks? Check up ko kasi kahapon and still closed cervix pa daw sabi ng midwife po. Yung due ko po sana is June 11 pero until now wala parin pong signs of labor. Puro false contraction lang. Naiiyak na po talaga ako. Gustong gusto ko na ilabas si baby. Ayoko po ma CS, naka cephalic na naman po siya. And yung dalawang nauna ko po puro normal delivery naman. Ano pa po ba need ko gawin? Nag squats na ko, walking, akyat baba sa maliit na burol malapit samin po. Every morning kinakausap ko si baby pero wala parin. Pls share your ideas kung ano pa po pwede ko gawin. Thanks po