First trimester vitamins

Hello po mga mommies! Patulong po ako. Sobrang worried ko kasi. May OB naman na po ako kaso folic acid at duphaston lang pinapainom sakin. 6 weeks na po ako. Yung mga kaibigan ko pinagtake daw po kaagad ng OBIMIN at gatas. Pero ako wala. Worried ako na baka kulang yung nakukuha na nutrients ni baby. Kasi nga first trimester pinakamahalaga dba? Yung OBUMIN daw po is para sa brain development nung bata. Kung marami po kayong nagtetake na as early as possible eh bibili na po ako. Hindi ko po kasi sure kung pang ilang weeks pwede itake yun. Hindi ko din pk mahanap sa internet 😭 DUPHASTON- pangpakapit. Sabi ng OB ko pwede daw once o twice a day. Gawin ko daw thrice pag mejo stressful ang araw. So ngayon hindi ko alam kung ilan ba talaga ang itetake. Gusto ko po sanang 3x para sigurado talaga kaso baka may side effect po? Planning to change my OB na din po kaso ang hirap mag hanap dahil nasa province ako ngayon. Please pakisagot po kasi worried na talaga ako. Thank you po mommies!

32 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din sa akin sa unang checkup folic nga lang e walang duphaston mag 6weeks pregnant ako nun.. Tapos after repeat transV mga after 2weeks yun pinachange na niya vitamins ko to Hemarate, Obimin, Calciumade, Anmum .. Kelan ba balik mo kay OB? Nasasayo naman yan e.. Bakit hindi ka sa OB ng friend mo? If ever d mo bet way ng pag aalaga ng OB mo ngayon lipat ka nalang mahirap pag may doubt kelangan kasi may tiwala kasi si OB ang magpapaanak sayo.. Anyway sabi mo bibili ka agad ng OBimin? Dapat alam ng OB mo yan mi wag basta basta kahit sabihin mo pa vitamins yan.. May ibang OB iba nga binibigay na prenatal vitamins e. Continue to take folic btw habang wala pa binibigay sayo bagong vitamins. kasi yan talaga makakatulong sa 1st trimester para yan hindi magkaron ng neural tube defect

Magbasa pa

7 weeks folic acid lang din ang nireseta saken ni OB. Nung 12 weeks na ko nadagdagan ng Calcium, Prenatal na mum2B Gold. Hanggang ngayon 18 weeks 1 day na ko yan pa din tini-take ko. Sa maternal milk naman di lahat ng OB nagrereseta non. Choice mo na yon. Ako freshmilk at bearbrand adult lang. Panget kase lasa ng maternal milk. Di mo kelangan magworry na onti lang ang iniinom mong vitamins, as long as yung kinakain mo puro healthy foods. More fruits, veggies and water lang. Kung di mo talaga bet OB mo, hanap ka na lang ng iba. Mahirap kase yan pag di ka komportable sa OB mo.

Magbasa pa

nung 6w ako until end of first tri, Duphaston talaga sis. I lost one of my twins na dinadala ko ngayon so threatened miscarriage ako. thrice a day talaga yun. nung nagstart wala na ang discharges, nagtwice a day until once nalang. nagstop na rin ako magtake two weeks ago. okay lang na Folic Acid muna. yan lang din pina inom sa akin. if gusto mo mag gatas, pwede naman din. ako di pwede kasi lactose intolerant but i will try pa rin one of these days hehehe laban sis

Magbasa pa
2y ago

Hello sis! First of all, wag ka pastress ha. God's plan po lahat ng nangyayari. May purpose si Lord. Naging mahirap din pagtanggap ko sa case ko but sobrang daming prayers talaga ang nakatulong. Second, sa Ob mo sis, dapat po binigyan ka ng pampakapit kasi threatened pa rin yung naiwan. Are you still bleeding pa ba? sakin kasi parang one month yung bleeding ko pero konting2 lang. Nakatulog talaga yung pampakapit sis at bed rest. tapos prayers. wag ka mabaliw hehe di po makahelp. if walang reseta na pampakapit, balik ka po sa Ob niyo. need po yan sis.

wag k po magcompare sa iba dahil iba iba po ang findings ng doktor.. ako rin niresetahan ng duohaston for almost 2 months ng 1st tri q kasi lagi naghihilab puson q tipong rereglahin and may subcborionic hemorrhage aq and working as a teacher which is super stressful.. ilang beses aq nag doubt ke OB but now very thankful sumunod aq sa advce nia. i am now on my 32nd week and 5days. ang vitamins po and laboratory ay pinagawa sakin after mlaman na ok na hemorrhage q.

Magbasa pa

Same lang naman sakin mommy tinanong ko naman yung ob ko na baket ganung gamot lang kailangan kong inumin sa first tri ko and ang sabe niya dahil sa pagsusuka ko masasayang lang yung itetake kong gamot like obimin super trigger din pagsusuka ko don. Thats y pinagfolic lang muna ako then nung naging okey na ako ng 4months don na ko pinagtake ng iba pang gamot. Dapat din may tiwala tayo sa ob natin dahil sila mas nakakaalam ng anong dapat satin ☺️

Magbasa pa

Duphaston at folic acid din nireseta sakin at 5 weeks kasi nabubuo palang yung embryo, wala pang heartbeat. Nung confirmed na ang heartbeat ni baby, dun na po ako niresetahan ng obivit max. After 2 weeks naman yun 😊. Ftm kaya dalawang OB kinunsult ko at 5 weeks. Same sila na wala pang vitamins na nireseta aside sa folic acid. Yung milk optional lang naman mih hehe.

Magbasa pa

Pwede mo naman take 3x a day yung duphaston, ang side effect nya nakakabutas ng bulsa 🤣 Chariz! Baka ganon sabi nya sayo kasi makapit naman baby mo. Makinig ka na lang sa kanya at wag na magcompare kasi iba iba ang pagbubuntis. About sa gatas, kung gusto mo maggatas wala namang problema. And sa nutrients, di ka ba kumakain at sa vits ka lang nakaasa 😆

Magbasa pa

Wag kang mag madali, alam ng ob yan. Trust ur ob. At my 5weeks nakaFolic acid at pampakapit lang din ako. Then nung nag kaheartbeat baby ko , 7weeks ako nun pinag vitamins and gatas nya na ako. Wala naman problema sa gatas pwede ka mana nun bumili kahit walang sbhn si ob, maternal milk is very important sa baby. Anmum iniinom ko.

Magbasa pa
2y ago

Korek

Ok lng po yan mii, ganyan din po ako nung 1st trimester ko folic/ferrous lng po nireseta nia,.. Sa 2nd trimester po folic/ferrous , calcium at multivitamins npo.. Ngaun po 34 weeks and 1day npo kmi ni baby.. At thanks GOD🙏🙏🙏 healthy nman po si baby.. Ilang weeks nlng po magkikita n kmi ni baby boy 💙👶😊

Magbasa pa

Depende po yan sa pregnancy mo. Ako vitamins ko lang foralivit at enfamama. Since may subchorionic hemorrhage din ako 3x a day dupbaston at duvadilan and every morning aspirin. Magtanong tanong ka din sa ibang nakakakilala sa OB mo kung magaling ba ganyan ginawa namen saka kame pumuli ng OB ko.