First trimester vitamins

Hello po mga mommies! Patulong po ako. Sobrang worried ko kasi. May OB naman na po ako kaso folic acid at duphaston lang pinapainom sakin. 6 weeks na po ako. Yung mga kaibigan ko pinagtake daw po kaagad ng OBIMIN at gatas. Pero ako wala. Worried ako na baka kulang yung nakukuha na nutrients ni baby. Kasi nga first trimester pinakamahalaga dba? Yung OBUMIN daw po is para sa brain development nung bata. Kung marami po kayong nagtetake na as early as possible eh bibili na po ako. Hindi ko po kasi sure kung pang ilang weeks pwede itake yun. Hindi ko din pk mahanap sa internet 😭 DUPHASTON- pangpakapit. Sabi ng OB ko pwede daw once o twice a day. Gawin ko daw thrice pag mejo stressful ang araw. So ngayon hindi ko alam kung ilan ba talaga ang itetake. Gusto ko po sanang 3x para sigurado talaga kaso baka may side effect po? Planning to change my OB na din po kaso ang hirap mag hanap dahil nasa province ako ngayon. Please pakisagot po kasi worried na talaga ako. Thank you po mommies!

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

7 weeks folic acid lang din ang nireseta saken ni OB. Nung 12 weeks na ko nadagdagan ng Calcium, Prenatal na mum2B Gold. Hanggang ngayon 18 weeks 1 day na ko yan pa din tini-take ko. Sa maternal milk naman di lahat ng OB nagrereseta non. Choice mo na yon. Ako freshmilk at bearbrand adult lang. Panget kase lasa ng maternal milk. Di mo kelangan magworry na onti lang ang iniinom mong vitamins, as long as yung kinakain mo puro healthy foods. More fruits, veggies and water lang. Kung di mo talaga bet OB mo, hanap ka na lang ng iba. Mahirap kase yan pag di ka komportable sa OB mo.

Magbasa pa