Epidural anesthesia/ Painless delivery

Hello po mga mommies magtatanong lang sana po ako kung sino dito ang nag painless delivery or nag epidural anesthesia during labor. Kumusta po ang naging experience niyo? Thank you po sa sasagot

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy! Tinurukan lang ako ng epidural nung 8cm na ako, pagdala sakin sa delivery room. In-ask nila ako kung mag e-epidural na ako, sabi ko yes kasi hindi ko na talaga kaya yung sakit. May dalawang lalaking nurse na humawak sakin, pinilit nila mag curve yung likod ko. Sobrang sakit sa feeling kasi nagc-contract pa yung tiyan ko habang ginagawa nila yun. Hindi ko na naramdaman yung tusok ng karayom. Alam ko na lang ginising na ako ng OB ko sabi niya sakin, "Mommy pag sinabi kong umiri ka, iri ha yung todo hindi masakit yan." Tapos inintay go signal nila. Hinahawakan ng isang nurse yung tiyan ko. Iniintay nila magcontract ulit. Nung nagcocontract na, pinairi ako dalawang beses. Tapos hindi ko namalayan nakatulog na ulit ako. Ginigising gising lang nila ako pag iiri na ulit ako.

Magbasa pa
2y ago

Hindi po. Ang tinurok nila sakin non, pain reliever lang. Hindi naman umeffect sakin. Patagal ng patagal, lumalala pa din yung sakit na nararamdaman ko. Nagpapa turok ulit ako ng isa pa kasi sobrang sakit talaga 5 cm palang ako kaso di na daw pwede. Epidural na daw susunod na ituturok sakin, kapag 6 cm na daw ako. Kaso wala nagbabantay sakin sa labor room, kaya nung sunod na IE sakin 8 cm na agad ako. Tsaka ako dinala sa delivery room po hehe dun na ako sinaksakan ng epidural.

VIP Member

para sakin mas masarap ung masakit kasi alam mo kung kelan mo na ibubuhos ung pag iri sa first baby ko bahay lang ako kasi nanganak dahil walang hospital na tatanggap sa kasagsagan ng pandwmic mas natatkot ako na walang maramdaman na sakit hehe para sakin lang po ah

2y ago

Hi mommy! Yes I agree naman with u po iba iba naman po tayo. For me kasi po na masyadong mababa ang pain tolerance I cannot risk po hehe alam ko po ang kaya at hindi kaya ng katawan ko kaya hindi ko po talag irrisk si labor pain hehe. Pero unfortunately na CS parin ako hehe

VIP Member

Induce plus epi ako sa second child ko. Doble ang sakit dahil sa pag induce tapos nag fail pa epi ko. Very traumatic. Di ako mag papa induce this time or magpepainless. Ang tagal ko kasi nakarecover sa second child ko..

Option ko din mag painless, nag tanong nako sa OB ko and sabe nya 5cm daw mag Epi nako. Normal ako sa 1st ko ang gusto ko sana ma try yong painlesa, curious lang 😆

2y ago

Yes po ituturok po sainyo si epid mga 5-6cm kasi halos sunod sunod na ang contractions niyan gusto ko din sana kaso sadly na CS po ako hehe

Hello mommy! Nanganak ka na ba? Did you opt to get administered with Epi? If yes, kumusta naman?

2y ago

Unfortunately mommy na emergency cs po ako. But syill epidural anesthesia parin ang tinurok sakin. The pain of the injection itself in the spine is very tolerable for me na mababa po ang pain tolerance kayang kaya po. And surely kung magllabor kayo under epid wala po talaga kayo mararamdaman na labor pain.

saken din hindi umepekto ang epidurial forceps delivery po ako

2y ago

Si epid for forceps ata mommy is the time when u need to deliver the baby yung role ni epid po don is para ma numb yung down there mo kasi need nila gamitan ng instrument para mailabas si baby, however po yung epid po sana na gusto ko is during labor time until dleivery po which ang innumb niya po is almost the half of your body parang yung ni Ccs ka lang hehe