lungad

hi po mga mommies ask ko lang po normal po ba ang grabeng pag lungad ni baby? every after feed lungad at ung iba po sa ilong na nalabas ung lungad kaya parang hirap tuloy cya huminga. may naka experienced po ba ng ganito sa inyo? sana po may sumagot salamat po.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, same tayo, yung baby ko ganyan din sya nung 1st month nya, so pinacheck up ko sa pedia, then sabi ng pedia over feeding daw sya tapos tinanong nya yung formula milk na pinapafeed ko, ayun sabi nya sakin palitan ko daw ng Enfamil A+, at dapat daw every 2-3 hrs sya dumede, and after nya dumede iburp mo muna at wag mo muna sa ihiga, ako kasi 1hr afte nya dumede dun ko palang sya bibitawan...now turning 3 months na sya di na sya naglulungad, and sis try mo Enfamil A+ easy to digest kasi yung formula na yun, yung digestive system ng baby natin di pa ganun kadevelop kaya mabagal pa mag digest.

Magbasa pa
5y ago

thank u mommy. similac at breastmilk cya. cge po ask ko pag punta namin sa pedia nya. actualy d makapag pa check up gawa ng lockdown eh. minsan din kasi dko na napapa burp kasi twins baby ko pagkatapos nung isa ung isa naman dedede so after talaga nung isa baba na ung isa 😞

TapFluencer

Normal lang po lalo na kung malakas po gatas nyo kung bf. Sakin nung sinasabayan ko ng pump, super lumakas gatas ko at yon puro lungad si baby. Wala naman dumaan sa ilong nya pero literal na parang gripo talaga paglabas ng gatas. Ung feeling na baka nilabas nya na lahat ung dinede nya.

Ganyan din twins ko nung mga unang weeks palang . Sabi nila nagpapataba daw kaya ganun. Ngayon naman normal na lungad nalang sa bibig na parang may taho na🤣 bachingching na din sila ngayon☺ 3months na po kmi😊 (corrected age: 1month)❤❤

5y ago

twins din baby ko mommy. patingin naman pic ng twins mo 😊 ano gatas nila momshie?

Maliit p ung capacity ng baby..icontrol m ung pagbigay ng milk pra masobrahan..pgumiiyak ilang minuto p lng last dede try m muna isayaw o ihele pra tumahan..just icontrol m ung dami ng dede..iobserve m

VIP Member

ganyan dn si baby ko momsh sa ilong dn may lumalabas dati. kailangan lang talaga silang ipaburp at medyo mataas na unan gamit ni baby ko okay naman na ngayon. 1month plang si baby kaya todo bantay parn ako.

5y ago

Sis same sa bby ko ,nakaka worry nga minsan kasi parang lahat ng nadede nya na ilungad din nya tumataba po b bby nyo khit ganun ?

Hi sis same tayo. Lumalabas din sa ilong nung baby ko yung gatas nya kapag di ko sya napapadighay tapos naihiga ko na. So ayun, kailangan lang tapaga ipaburp bago mo totally ihiga si baby.

dapat po mommy every feed nia ipa burf mo po xa pra hindi xa maglungad....napapasukan kc hangin s tyan nia specially kpag feeding bottle gamit kya pagtpos nia po dumede padighayin nio po.

5y ago

ai hindi po sa bibig lng po..musta n po c lo mo?ok n po ba xa????hope ok n xa

Kay baby ko nangyari to nung dumami yung take nya ng gatas, from 2oz to 4oz. Ang payo sa akin alternate 2oz tas pag nagutom after an hour or more 4oz naman. Naging okay naman na.

Ako po maamsh 40ml po si bby tapos ngtry akong 60ml yan yung nanyari lumalabas na sa Ilong kaya bumalik kami sa 40ml hanggang sa nkaya na nya yung 60ml maamsh

VIP Member

Masyado mo yata pinapa dede eh dapat lagi mo po pinapaburp bago mo ihiga o pahigain hanggat d ng buburp wag mo muna padedehin nahihirapan po sya👍🏻