Mild pain

Hi po mga mommies! 8 months and 9 days here. Tanong ko lang po kung yung nararamdaman ko ba ngayon ay normal lang kasi para akong may dalaw. Sobrang bigat ng puson ko na parang pakiramdam ko bubulwak yung mens ko. Di ako nadi-dysmenorrhea kahit isang beses kaya di ko macompare yung nararamdaman ko ngayon basta parang mabigat yung feeling na may onteng ngalay tapos minsan bigla akong may pain na mararamdaman tulad ng sa UTI. Yun bang mahapdi na gumuguhit pag umiihi pero nawawala din sya. Out of nowhere ko po nararamdaman yung parang UTI. Minsan pag naglalakad ako or tayo. Wala rin naman po akong UTI based on my U/A kaya nagtataka ako bakit may ganun akong nararamdaman. At no discharges din po.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo sis ganyan din ako ngayon 8months and 6days nakakaramdam ng pananakit ng tyan kapag may gagawin na konting bagay na akala mo naglalabor na. Nagpunta ako ng ob kasi kinakabahan ako kasi iba yung sakit niya sabi naman ng ob dahil daw sa init yon kaya nakakaramdam ng pananakit ng tyan o paninigas kadalasan daw may nanganganak ng mas maaga dahil sa init ng panahon ngayon. Pray nalang tayo sis na wag muna lumabas ang mga baby naten mahirap na kulang pa sila sa buwan😇

Magbasa pa

Ganyan po talaga yan... :) Si baby kasi nag po-position na. Sa bisaya, tinatawag namin yan na "panghawan"... pumi-pwesto na ang baby pababa kaya makaka feel na tayo ng pressure sa pelvic area.

Parehas tau mga sis kgbe d tlga ako nakatulog sa sobrang sakit parang ng lalabor na ako kya pagdating ng umaga pumunta agad kme sa midwife ko ie nya ako knina at 2 cm na daw ako

Same tayo ng nafefeel. 8 months na rin ako. Tapos pag tatayo ako, parang ang bigat ng tiyan ko tas feeling ko malalaglag si baby. Natatakot nga ako tumayo ngayon dahil dun.

Pacheck-up na po kayo to make sure.