April 8 nanganak, normal delivery with 3rd degree episiotomy

Hello po mga mii. Ako po yung nag-ask dati kung magpprogress kapag 2cm eh 36weeks pa lang. Nanganak na po ko last April 8 at exact 37weeks. Ask ko lang po, may tahi kasi ko sa pempem, 1. Ilang weeks po kaya bago gumaling ang sugat? Until now kasi may sinulid pa, 1 week postpartum. 2. Pwede na ba ko magbuhat ng anak kong toddler na medyo may kabigatan na? Mag 3 years old na sya. 3. Ok lang po ba mag-akyat baba ng hagdan? Sabi kasi ng mama ko wag muna at baka daw mapunit ang tahi sa pempem ko. 4. Ok lang ba gumawa na ng gawaing bahay like matatagalan tumayo? Ayoko kasi maging pabigat sa asawa ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. Congrats po! May 2nd-3rd degree ako sa first born ko kaya eto po: 1. Totally healed po ako after 3 months. For faster healing po, try niyo lagyan ng betadine yung mismong pads niyo. Mas mabilis gumaling yung sugat ko nung inadvice sakin iyon. 2. Pwede po mag buhat after a month para sure. Baka pag nagbuhat po kayo, maglikot siya bigla, mabigla po ang muscles niyo at sasakit katawan niyo. 3. Advisable po na mag lakad lakad, dahan dahan na akyat baba para mas mabilis gumaling ang tahi based on my experience. Wag lang po bibiglain ang pag akyat, dapat walang pain. 4. Very okay po na gumawa ng gawaing bahay basta slowly at comfortable kayo. Rest kayo once in a while. Maiintindihan po ng mister niyo yung case dahil major change po ang nangyari sa katawan niyo kaya don’t feel guilty na di tayo makatulong for now. Ang mahalaga po, comfortable kayo habang nag kikilos at rest once in a while.

Magbasa pa
7mo ago

Sige mii. Thank you sa advise. 🥰

Hindi ako gumagawa ng mga gawaing bahay o anuman na nakakapagod, Mamshh need natin ng pahinga dahil baka mapunit ang tahi, Baka pag napunit at d ka nag ingat tatahiin ulit yan mag papanibagong sakit ka po nyan kaya mamsh okay lang yan rest amd relax wag mo isipin pabigat ka kung ang mister mo I m sure naman na naiintindihan ka. By the way, April 9 naman ako nanganak at exact 39weeks sa baby ko :) Ingat!

Magbasa pa
7mo ago

Sige po mii. Salamat po sa advise. 😘