SSS BENEFITS

Hello po mga mi. Itatanong ko lang po sana Plano po kasi namin magpakasal sa June and due date ko ay August. Pwede Pa po ba kami nun mag apply sa sss ng asawa ko para makakuha po ako sa maternity ko? Yung sakin kasi is diko Pa nhuhulugan. Sya po kasi may regular work. And also po sa Phil health nya is magagamit ko po ba nun. Salamat mga mi. Ftm po.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

If edd mo ay August 2023, dapat may hulog ka ng atleast 3months from April 2022 to March 2023 lang. kung sa June ka pa magaapply, di ka na makakakuha ng matben since may rule ang sss about contingency months & qualifying periods. Also di na rin pwedneg magbayad kung nakalagpas na sa months na gusto mo bayaran like for example, gusto mo habulin yung october to december 2022 contri mo tapos babayaran mo ngayong feb, di na yun pwede. kung gusto mo makahabol pwede mong bayaran yung sem ng Jan-Mar 2023 ngayon (pasok yan sa qualifying period mo na until March) irregardless kung single or marroed name ka pa.. Last chance mo na until March lang this yr to qualify. Pag lagpas na run inabot ng april, may o june - di ka na qualified (di mo rin magagamit sss ng magiging asawa for mat ben kasi sarili nyang sss yun at walang maternity benefit na nakukuha ang lalaking member 😅) sa philhealth, di mo rin magagamit yung sa partner mo kung di ka nalagay as dependent nya (kasal kayo dapat kasi need ng marriage cert dun if magpapaupdate sya at gawin kang dependent) better na magopen ka ng sarili mong philhealth at yun ang hulugan mo until sa month na manganganak ka.

Magbasa pa
2y ago

thank you po❤️

mas okay kung mag inquire ka mismo sa sss branch para masagot lahat ng tanong mo. Ang alam ko kasi pag walang hulog di pwede eh. Wala din maternity ang lalaki. Meron sila Paternity pero leave yun. Sa philhealth di mo magagamit sa asawa mo. June pa kasal nyo, 3 months bago makuha marriage cert nyo. Depende pa sa lugar minsan 6 months. Kaya di nya pa maupdate agad yung philhealth nya para gawin kang dependent. Mas okay kung yung philhealth mo gamitin mo, icontinue mo hulog hanggang sa month ng edd mo.

Magbasa pa

Ang matben ay for female members lang, hindi yan applicable sa sss ng asawa mo kahit pa kasal kayo. Sa philhealth pwede mo magamit basta after kayo maikasal e maipa update na agad ng asawa mo ang record niya

exclusive po for femAle accounts lang ang mat ben kahit pa kasal kayo or whatnot. sa philhealth eoa deact mo ung sayo change status kay hubby at malagay ka sa beneficiaries nya bago mo magamet un

Hope na masagot.

Related Articles