anxiety

Hello po mga mamshie! 12 weeks pregnant po ko with twins. Natatakot ako minsan and anxious simula nalamang kong twins. Kaya lagi lang ako nagdadasal. Any tips po or share po kayo ng experienced nyo po with twin pregnancy?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap maggain ng weight pag mapayat ka, kasi kailangan kain ka lang ng kain at the same time dapat iwasan mo yung matatamis and maalat kasi hindi ka pwedeng magkaron ng gestational diabetes or uti. Araw araw maligo para iwas sa sakit. Kailangan extra careful ka sa paggawa ng gawaing bahay dahil maselan ang pregnancy mo. Madaming gamot ang itatake kasi doble ang kakain ng nutrients mo, malolowblood ka , sasakit ngipin mga buto kasi dalawa yung ngcoconsume ng calcium mo kaya kailangan mo ng gamot. Inom din lage ng maternity milk para magkalaman si baby. Mahirap paabutin ng full term na 37 weeks ang twins kaya dapat extra alaga sa sarili, bedrest kung kinakailangan and madalas CS delivery sya kasi delikado kapag inormal. Doble din ang gastos. And pagkapanganak prepare sa possibility na magmix feeding kasi gutumin ang baby. Always magpacheckup, para mamonitor yung kambal and if kaya magpaCongenital anomaly scan para alam ang status ng twins. Goodluck mamshie. Mahirap pero masarap magkaroon ng twins.

Magbasa pa