Pregnant with twins boys

How's your exprience po sa panganganak sa twins na boys? Sobrang kinakabahan ako at natatakot manganak ng CS. 22 weeks pregnant with identical twins. Pano nyo nakayanan palakihin? Sobrang stress ba? Nag ooverthink ako. Plus may 2 years old pa kong boy din. ๐Ÿ˜• #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lng sayo sis kasi may kuya sila na mkakalaro nila. First babies namin twin boys, 2yr 4mo na sila ngayun at sobrang kulit nila. Gusto nila makipglaro samin lage. 36 weeks 4 days sila pinanganak sis, 1.4kg at 2.2kg lng sila. Sobrang gaan. Pero sabi ni OB nun n okay lng yan at ska mo nlng bawiin ung laki nila og lumabas na kasi kung ittarget ung normal birthweight ng baby na nsa arounnd 2.5kg bka mapaaga daw manganak at lalabas ang babies na mahina. Tama naman si OB kasi lumabas ang twins na premature (although kulang ng 3 days para maging 37weeks) maliliit sila pero malalakas naman at hnd na sila ngstay ng matagal nun sa NICU kasi malalakas naman kht maliliit sila. Tapos sis dapat mgpainject ka ng dexamethasone para advance madevelop ang lungs ni twins mo kasi common ang premature sa twins. Kung premature kasi ang main problem ay hnd pa mxado developed ang lungs kaya delikado. Tapos CS kana lng sis kasi delikado. Ang nangyare samin nun pumutok panubigan nung isa pero wla pa signs ng labor. Cguro dahil sa pressure nung isang twin kasi dinadaganan nya ung kambal nya sa loob. Pgkacheck up kay misis sis critical na ang heartbeat ng isang baby namin kaya emergency CS ang nangyare. May pinsan naman ako twins din ang anak. Doble ung hirap nya sa panganganak kasi pinatry sya ng normal delivery tapos hnd nya kaya ilabas ang babies nya hanggang magdecide ang doctor nya na CS nlng. Sabi nya sana CS nlng daw nun.

Magbasa pa