feelings ng buntis ?

Hello po, mga mamsh...Ako lang ba nakakaranas ng ganitong feelings..stress & depress , feeling ko kasi nagiisa lang ako ngayon,. Yong hinahanap hanap ko yong pag aalaga ng isang husband,, hindi ko kasi maramdaman na mahalaga kami ng baby ko sa kanya, kahit kasama ko sya... I'm already 28 wks preggy.. .yong gusto ko mafeel concern sya, yong tanungin man lang na.. May gamot ka Pa ba? Wag ppagutom,, yong maalala nya man lang ako pag nasa trbaho ako, yong uunahin nya kami kysa ibang bagay, like hangout sya w/friends, pag nagllaro sya ng mobile legend, ayaw nya maistorbo, husband na my pakialam kasi magiging daddy na sya ?, naiinggit ako sa asawa ng ibang workmates ko nung buntis sila, alagang alaga sila ng husband nila lalo na 1St baby... bkit ganun may love Pa kaya ? Anong ggwin ko? sorry wala Lang mapagsabihan..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako nung sa first baby namin. Yung tipong nakabedrest ako inuna pa niya makipaginuman kaysa alagaan ako. Inisip ko nalang na alam kasi niyang kaya ko sarili ko. Pero hindi po talaga mawawala sa buntis na hanapin yung alagaan siya. Fast forward nanganak na ko. Nagstay kami sa bahay ng mama ko. May mga times na umuuwi siya sa bahay nila ilang araw. Nakikipaginuman at nagddota. To think na kakapanganak ko lang. Kahit kausapin ko at pakiusapan wala. Uuwi siya pag gusto nya. Kasama namin kapatid ko kaya ok lang. Wala naman siya masasabi sa kapatid ko magkasundo sila. Fast forward ulit umuwi kami sa bahay nila. Nagwork nako at ako lang nagwwork. Stay at home dad siya. Ilang buwan palang baby namin. Lagi siyang nakikipaginuman sa house mg friends niya iniiwan niya kami ni baby na kaming 2 lang sa bahay at umuuwi madaling araw na. Madalas yun kahit weekdays at alam niyang may pasok ako the next day. Inaalala ko pa kapag sobrang lasing niya mapabayaan niya si baby. Kinausap ko siya sabi hindi na gagawin. One time sabi ko uwi na siya ng 12midnight. Umuwi siya 6 am. Nagsnap nako. Hinakot ko gamit namin ni baby at umuwi sa bahay ng mama ko. Tinext ko siya na sunduin nalang kami kapag kami na priority niya. Siya pa nagalit at lumayas daw ako ng hindi man inisip na araw ng paglalaba. Bumalik ako sa bahay nila para kunin ung labada namin ni baby. Hindi kami nagusap ng ilang araw. Hanggang sa narealize siguro niyang may point naman pinaglalaban ko. Fast forward ulit may 2 anak na kami at sariling bahay. Infairness sobrang maalaga na siya ngayon. Sa mga bata at sa akin. Hindi na namin problema ang pakikipaginuman niya. Minsan dito nalang sila sa bahay. Sobrang dalang nalang nung magpapaalam siya na makipaginuman sa bahay ng friends. Realization ko lang na may mga bagay na hindi nadadaan sa mabuting usapan. Kung hindi niya naexperience yung feeling na mawala kami hindi na malalaman value namin. Sorry sa long comment. Hindi ka po nagiisa. Pero huwag mong hayaan na ganyan siya sayo.

Magbasa pa
6y ago

uo nga po, darating cguro yung time na marerealize nya na bigyan ng value kami ng baby nya baka pag naka panganak naku.. Pray nalang din ako dumating yong time na yon hanggat kaya Kong tiisin.. Cguro may way din na mangyari sakin... Na ganun katulad sayo nagbago naman ang husband mo... Thank you sis