PALABAS NG HINANAKIT AT 31Weeks

Hi po mga mamsh tanong ko lang po need na po ba talaga mag lakad² every morning or afternoon ang 31weeks ? mama ko kc ipag kompara ako sa kapitbahay namin na panay lakad² na every morning tapos sabihan pa naman akong palagi daw akong natutulog e nag nap lang naman ako saglit kapag nagpapatulog ako sa 1st born ko . minsan na e stress ako sa mama ko yun bang e kompara nla tayo ngayon kesa kanila noon minsan d ku nalang pinapansin gusto ku kc pag nasa 37 weeks na ako jan na ako mag lakad² tsaka mag exercise natatakot po kc ako sobrang aga pa eehh nanakit kasi puson ku minsan pag nasobrahan ako ng gawaing bahay tag² naman ako minsan dito sa pag aalaga sa 1st born sa sobrang kulit 2yrs old pa kc tapos pag gabi kc d ako nakatulog ng maayos gawa ng ihi ng ihi or mag timpla ng gatas sa 1st born ku kc nanghihingi tuwing madaling araw kaya ayun matagalan ako ng gising sa umaga yung nanay ku putak ng putak kc antagal ko raw magising ka buntis ko raw babae tagal magising 😔 ngayon lang kasi sa pangalawa ko nandito kami sa bahay ng mama ko kasi hirap kapag manganak ako walang magbabantay sa 1st born ko dati kc kami lang ng partner ko wala talagang problema tiisin ko nalang tu malapit naman na dec uuwi na kami ng cebu nasa north luzon kasi kami ngayon sa bahay ng nanay ko . Sana ol talaga sa may pinagpalang nanay dagdagan pa ng kapitbahay na solsolan nanay ko ang hirap talaga 😔 cge lang konting tiis nalang matiis pa naman ☺️ kayo mga mamsh ilang weeks na kayo nag pa tagtag ? #advicepls #2ndbaby #NeedAdvicePo #TeamOctober

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag po hayaan na parang sila ang nasusunod saten katawan naten rules naten im 34weeks tamad na tamad padin gumalaw simula nag 3rd trimester ako konting galaw or pagod ko lang grabe na sakit ng puson and balakang ko awa ng dyos biniyayaan ako ng napaka bubuting mga byanan kahit matulog ako maghapon magkulong sa kwarto never nila ako pinakialaman hinahayaan nila ako pag nakikita nila ako gumagalaw sa bahay pinipigilan pa ako baka mapano daw ako baka mapagod daw ako pero hindi nmn po ako masyadong spoiled kasi gumagawa din ako ng gawiang bahay lalo may alaga ako pusa araw araw linis sa bahay at hindi po biro un jusko araw araw dakot ng mga tinaihan inihian tapos ung baby cat d pa gaano marunong umihi sa cat litter no choice ako araw araw nag lalampaso ako dahil malangis ang ihi ng baby cat ko, so un mommy wag hayaan na sila ang masusunod wag muna nag lakad lakad masyado pang maaga i feel u kasi ganyan nararamdaman ko simula nag 3rd trimester ako konting galaw lng sobrang sakit na ng balakang at puson tipong d na maihakbang ang paa pag ganon ang nararamdaman ko pinapahinga ko na maghapon un kinabukasan ok na. lalo kapa kaya eh may baby ka mas nakakpagod sayo walang pahinga by the way keep safe mommy.

Magbasa pa

same tayo mi 31weeks takot din ako maglakadlakad pero nakatira din ako sa mother ko now pero bihira lang ako nakilos di ako pinagkikilos at alagang alaga ako ni mother 1st baby ko to. ganon din sa bahay ng partner ko sa mother nya panay higa at tulog ako don buti pa nga dito sa bahay medyo nakilos ako pag busy si mother😁 kausapin mo nalang ng maayos explain mo to her baka sakali magkaintindinhan kayo kasi nung una lage din ako sinasabihan ng kapated ko at ni mother na maglakad lakad na pero nasakit tiyan ko at sa gabi puyat ako lage kasi hirap na matulog kaya hinahayaan na nila ako lalo bawal tayo mastress. lalo need natin ng rest at sapat na tulog kasi nababa talaga ang dugo ng buntis tulad ko baba dugo ko kaya si mother lage nagluto ng talbos kamote at atay para dagdag daw dugo ko. kausapin mo nalang sya baka stress din si mother mo🙏

Magbasa pa
3y ago

naku my pinagsabihan ko na cia ilang beses na ayaw talaga makinig may sariling mundo talaga same tayo my mababa din hemoglobin ko . sabihan pa naman ako nag papaniwala daw ako sa mga doc na yan kaya minsan d nalang ako naimik d ku rin sinunod gusto nia alam ko naman pinag gagawa ko . minsan naiinggit ako sa mga may nanay na katulad ng nanay mo mamsh . hanggang sana ol nalang talaga ako . cguro napagbuntunan lang ako ng galit nia sa papa ko iniwan kasi cia ng maliit pa ako kaya cguro malayo loob nia sa akin tiisin ko nalang my malapit na dec uuwi na kami sa partner ko gusto ku talaga nakabukod ngayon lang talaga need namin magbantay sa 1st born ko kapag manganak na ako

ako nga po nasa bahay Lang Hindi ako nag lalakad Pero tagtag ako sa gawaing bahay isa pa 3rd floor Kami nakatira. nag preterm labor ako Kaya. need bed rest 33 weeks ako nun.. 37 weeks un po dun kayo mag lakad lakad dun po dapat magpakatagtag... isa pa need din magpahinga at matulog Kasi pag Labas ng bata ikaw lahat dyan.wala namn silang tulong .nakakastress Kaya ung ganyan.buti na Lang nakabukod na Kami ng asawa ko walang ganyan sakin.pero nung first born ko sa side ako ng family ko Di namn ganyan.. puro higa din ako nun Kasi maselan Pag bubuntis ko manganganak na Lang nag lilihi pa..suka ng suka kaya hindi Rin makalakad lakad nun...

Magbasa pa
3y ago

hirap talaga my ngaun lang naman kami dito sa mama ko nagpunta lang talaga kami ng 1stborn ku dito kasi nga para may magbantay sa kanya pag nanganak ako hirap kasi kapag nandon kami cebu kami lang ng partner ko wala talaga mapag iwanan nasa trabaho kasi partner ko gusto lang namin may katuwang ako sa pag alaga sa 1st born ku kaya lang parang wala akong maasahan 😔 stress lang pala aabotin ko kasi sa dami ng pamahiin cge lang konting tiis nalang malapit na dec uuwi na rin kami ansarap ng buhay talaga pag nakabukod ☺️

Ang maglakad po everyday is a must. Kung nag aalaga, gumagawa naman kayo sa bahay kahit di na sguro wala dn naman kasi sa baba ng tyan ang pagbilis na paglabas ni baby. Kaya lang naman tayo pinaglalakad para di din naman tayo mahirapan at syempre mabanat katawan natin. Kung tagtag na katawan nyo, oks na yon pero sgurobkahit mga 15min every morning and afternoon, okay na. Tsaka ignore mo na lang si Mother... ganyan talaga sila hehe. Di na maalis yan, minsan ako binabara ko MIL ko, yung Mother ko kasi mas nagegets niya ako, MIL ko lang talaga ang kontra kahit sa mga kasabihan di ko sinusunod 😅 Stress free pa ako pag ganon

Magbasa pa
3y ago

buti pa po kayo mamsh naintindihan ka ng mama mo naintindihan ko naman c mama kaso lang may mga paniniwala kasi cla na salungat sa atin sinabihan nga ako na ipahilot daw tyan ko eehh ayaw ko kc d naman na uso yan ngayon sa 1stborn ku d ku nga yan pinahilot okay naman .

nakaka inis talaga mamsh pag may nangingialam tapos sa case mo si mama mo pa. if ever hindi mo na kaya, magsabi ka once sa kanya, mahirap pong mastress masyado baka maka apekto sayo and kay baby. o kaya kung di makapagsabi tiis lang talaga ang magagawa, kaso yung mental health niyo po , kayo po ang kawawa :( ako po 29weeks pero naglalakad paminsan, 30mins ganun. consult your OB po para pag nagsabi ulit si mama mo, galing sa OB ang sagot mo hehe. minsan natatakot din ako kasi 7mos palang ako pano pag natagtag sobra, mahirap din po pag premature si baby tapos gastos sa ospital if stay siya dun ng 2mos ganun.

Magbasa pa
3y ago

tiis lang mamsh!! baka pag uwi niyo , hirap nalang sa pag aalaga pero yung isip mo panatag na 🥰

Ganoon din mama ko noon sa 1st born ko kaya nga bumukod talaga kami mag asawa. Pero ngayon kahit may sarili na kaming bahay nakitira naman iyong mother in law ko sa amin. Mas worse pala cya. Nilagyan nga nia ng floorwax iyong sahig sa living room noong wala kami sa bahay kahit alam nia na buntis ako. Tapos pag uwi namin sabihin nia na nakalimutan dw nia kung gaano ka slippery daw iyong floorwax. Hindi naman kapanipaniwala iyong excuse nia. Pati iyong mga binili kong gamit para kay baby pinapakialaman nia. Mas mabuti pa doon sa amin kahit mabunganga si mother ko atleast inaalagaan naman nia ako.

Magbasa pa

I suggest mi, you follow your body. kung anong pakiramdam mo. kasi kung early trimester ka. wag ka talaga muna magkikilos. delikado talaga. pag mga 2nd na. I do yoga ng 1st trimester hanggang ngayon pero kasi fit ako and wala naman ako nararamdaman na masakit whenever kumikilos ako. pero once in a while na nakakaramdam ako ng ngalay or pananakit ng puson. inihihiga ko talaga all day. kahit di makapag hugas ng plato or magluto. wapakels talaga kasi sa totoo lang hindi sila yung mahihirapan kayong dalaaa ni baby. just follow the sound of your body. If you feel na di kaya wag ipilit.

Magbasa pa

wag mo pansinin... sis.. hayaan mo sya magbunganga hanggang bunganga lang naman yan eh pag nanakit jan ka umaksyon... yaan mo sya kasi aq 31 weeks narin aq puro aq pahinga sis ksi lagi aq nasasakitan ng puson pag masyado n aq maraming nagagawa tumtigas tyan q kaya kailangan humiga... hinhayaan q madumi bahay mga anak q hinahayaan q sila kumilos bahala sila .. ksi di naman sila maghihirap sa hospital... eh tayo ang maghihirap bukod sa msakit sa katawan... masakit p sa bulsa pag prematured ang baby ksi iincubator yan ng ilang weeks

Magbasa pa

same tayo momshy. ganyan na ganyan din mama ko. lagi ako kinukumpara sa ibang buntis, na kesyo daw ang liit ng tummy ko kesyo daw di daw ako mag lakad lakad normal lang sa first mommy sguro ang maliit ang tummy. Minsan mas magaling pa sila sa o.b. Lagi nasakit ang puson at balakang ko, gusto tagtag ako mag lakad lakad umaga at hapon.. Nakita lang ako nakahiga, sabi sya ng sabi bat di daw ako mag trabaho sa bahay. Sinasabi ko nmn sknyan na masakit balakang ko at puson, tapos lagi kinukumpara sa kapitbahay na buntis. Hayss kaka stress 🥺

Magbasa pa
VIP Member

Nung 37 weeks ako sinabihan na maglakad lakad na sbi ng OB ko, msyado pang maaga ung 31 weeks, saka ok lang nmn mtulog or nap sa hapon, kasi need ng mdaming pahinga ng buntis, tulad ko nung preggy pa ko, natutulog tlga ako kapag inantok ako,kasi may times n gising ako ng madaling araw at hirap makatulog. Un nlng pambawi mo ng phinga ang mtulog, kya wag k po pastress momsh. Chill lng and iwas s negative vibes

Magbasa pa