low lying placenta

hello po mga mamsh sa mga na CS dyan hindi po ba nakakatakot? any words of encouragement po sana kasi natatakot ako everytime iniisip ko, last ultrasound ko kasi at 21weeks low lying placenta ko, nextweek 34weeks na ko magpapaultrasound na ako ulit & sabi ni ob kung low lying parin placenta ko di ako pwede magnormal kasi medyo risky dahil baka duguin daw ako ng sobra... hoping parin na sana mabago na yung location ng placenta ko sa next ultrasound ko kasi natatakot ako ma CS, meron din po ba sa inyo na ganitong case?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

About CS po if ever, CS po ako, tiwala po kayo sa medical team at higit po sa lahat pray po kayo. Parang nakakatakot po pero ok naman po lahat kapag nakasalang na po kayo sa operation. Sunod lang po sa instruction ng doctor kapag may pinagawa po. God bless. Hoping for the best and congratulations. :)

Magbasa pa
5y ago

Actually di ko matandaan feeling nung injection ng anaesthesia. Basta ang ginawa ko, nagfetal position ako ng mabuti, yung dipong parang iniipit ko sa si baby ng sobra para yung backbone ko sure na open at stretch. Gusto ko kasi isang tusok lang. Right after, ang bilis parang wala na. Kinausap lang ako ng anaesthesiologist na patutulugin nya ako. Nakatulog din pero nagising din ako in the middle of operation. Wala naman po ako masyado matandaan even awake na not until itabi sakin si LO ko at pinadede ko kaagad kahit gaano kahirap gumalaw. About po recovery, 10 days po ata yung maramdaman ko pain ng tahi, lakas loob lang po talaga, wag ibaby ang pain. Galaw parin kahit masakit para mas mabilis paggaling. Yung parang gagaling yung sugat mga a month or so po. Pero full recovery na parang babalik na lakas mo po weh mas matagal. Mabilis parin po mapagod sa unang mga buwan pero makafunction naman po for daily routine including mga ginagawa prior pregnancy.