hello mommy. same tayo 1 week si baby nagkasipon na. umiiyak pa ako pag barado ilong nya tapos hihinga sya sa bibig. ang pedia po nya binigyan sya ng gamot. ask po kayo sa pedia nya. mas alam po nila need gawin para kay baby. tapos inadvise din po sa kin na ibreastfeed ko lang si baby para makakuha sya ng antibodies sa kin na lalaban sa sipon nya. full time bf mom po ako. ngayon po mag3 weeks na si baby pawala na din ang sipon nya.
pa check up mopo sa pedia Mii, nsgkaganyan LO ko 25days old sya. may sipon ubo tapos kla ko sinat. sinugod ko agad sa hospital. thank God ok nmn sya, clear baga nya. sinabihan lng ako mag full bf then bumili ng nasal aspirator pra taga sipsip ng sipon.
pag may sipon po si baby malaking tulong to po para sakanya lalo kung barado dahil sipon. di naman po kasi nya malalabas yun e. pero patingin nyo po agad kay pedia para sakali may mapainom din sya gamot para agad mawala ang sipon ni baby.
Salinase lng po para lumambot bara bara s ilong at madali mailabas..
pacheck up mo wag kang mag self medicate sanggol pa yan
Anonymous