Dryness ng skin na may kasamang pula pula
Hello po, meron po ba sainyo nakakaalam kung paano mawala ito? 2 Pedia na po ang napagtanungan namin, allergy daw po sa milk kaya pinapalitan pero lalo lang po lumalala. Inadvise din po kami na possible atopic dermatitis po. Any tips po para mabilis mawala, more than a month na po kasi lalo lang lumalala. Currently using Mustela Stelatopia wash and cream, and Cetaphil Moisturizing Lotion. Thank you