Skin Allergy
Hi mommies! Helping a mommy friend. Pinacheck na nila sa pedia yang skin condition ni baby pero lumalala siya. Cetaphil pro pinapagamit pero walang nangyayari. Tapos nag try na rin ng BM pero wala parin. Meron po bang naka encounter nito sainyo? Please pahelp po sana kung ano magandang remedy kasi kawawa na si baby. Yung face niya rin dami na rashes. Hai. Di kasi sure kung eczema siya o atopic dermatitis yung nasakanya. Please help po. :(
Mommy wg po gumamit ng kahit anong hindi nireseta. My baby has atopic dermatitis nagpost dn ako dto about dun. Sobrang nakakaawa sila dhl naging iyakin at iritable wla n un dting masigla. Dinala ko na kung saan saan and just this monday dinala ko sa pedia derma na talaga sa manila doctors. Ang kinis agad ni baby in three days thank God. Ang mahal ng cleansing oil and face and body cream pro momshie kutis artista agad ang baby ko pwera usog naku.
Magbasa paHi ganyan din baby ko noon, use ko is momate cream 5g, P395 otc mercury drugs, 2x a day for 7days .. after ng 7days 1x a day nlng affected area .. pwede sa face and body external use only .. yung sa tenga nmn pacheck sa pedia para maresetahan ng ear drops, body wash dove baby sensitive head to toe wash .. promise tanggal yan..
Magbasa pasalamat mamsh! godbless po😊💙
Pag ganyan po kasi, actuslly hindi po sa pedia pinapacheck up. Sa derma po! Kahit rashes po sa derma dapat kasi ang pedia, most of the time, nanghuhula yan para lang may maibigay na reseta. Derma po mamsh. Ako lahat ng babies ko lag mah rashes, sa derma ko pinatitingin.
Yung baby ko po may rashes din sya dati. Sa ngayon nawawala wala na po sya. Wala po talaga akong ginamit na cream sa baby ko. Ligo lang sya. Tapos every morning nilalagyan ko sya ng gatas(breastmilk) bago sya maligo. Super effective po sa kanya. Share ko lang mommy. 😊
the only person na reliable na makakasagot niyan momshie is ang pedia ni baby ibalik niyo nalang sya pa check up and ask the doctor na gnawa niyo na lahat ng remedy in that way may resolution syang maibigay for baby
wag na po kayo sa pedia mag pacheck up kung sa skin po ni baby. Mas maganda po sa derma na po kayo alam din nmn po nila ung mga gamot na pede sa skin ng baby meron po kcng pedia na d gaanong maalam sa skin ng bata.
Hi sis narnsan yan ng alaga ko dati ;( ang gnwa nmn nagpakulo kme ng dahon ng bayabas at pag kakulo nun sis palamigin mo un ung ipahid mo sa knya pang linis at pamgligo kay baby in 2weeks wala na sia .
Ganyan po nangyari sa baby ko. Sabi ng pedia, massage ng cotton with baby oil then Iwas ka lng po sa seafoods momshie. Tapos un cream na pinapahid ko, eczacort. Okay na sya after 2days 😁
Parang ganyan nangyare sa kilikili ng baby ko. Binigyan kame ng ointment. Polyderm 3 name nung gamot. After 10days magaling na po. Pero mas maganda sa derma na kayo pa check up.
Ganyan dn x bb q rashes po yan n nasugat n,peo gumaling n po cetaphil gamit dn nya peo pinalitan q ng lactacyd,matapang dw ang cetaphil.At bumili aq x watson ng calmoseptine,
Proud mama