bed rest

hello po meron po ba sa inyo ang niresetahan ng pampakapit ni baby? ilang weeks po kayong bed rest..pwd ba magpahilot ang 5mos. dahil sa mababa ang matres?

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

knina lng ako niresetahan ng pampakapit saka gamot para di manigas ung tyan ko tho wlang spotting naman. delikado dw kasi bka mag pretermed labor ako at duguin.

Yes ako din po 4week ng po si baby nag spotting po ako kaya bedrest din po ako sabi po ni ob hanggang di papo ako nag stop mag spotting bedrest muna po wag po magpahilot.

same situation po.. going 4months na binigyan dn ako ng gamot duvadilan for 5 days po.. mababa dn kc matres ko.. hirap dn ako sa pagdumi..

VIP Member

during first trimester, niresetahan ako ng ob ko ng duphaston and 2 weeks yung advise niyang bedrest. parang hindi po yata advisable na magpahilot..

VIP Member

Nung 6 weeks ako niresetahan ng pampakapit, 2 weeks bed rest. Regarding sa pag papahilot hindi po kasi advisable yun baka makasama pa kay baby.

4y ago

Mommy inumin mo po yan kasi baka lalong magka abnormalities ang baby mo kung di mo susundin payo ng doctor mo. Normal na normal po ang baby ko at healthy nung pag labas. Basta mommy follow lagi instructions ng ob mo dahil mas may alam sila kesa sa atin.

simula 6 weeks aq preggy until now na 22 weeks na nakaduphaston pa din ako.Maselan pagbubuntis ko kaya sinusure ni ob na nakakapit si baby

same situation po.. duvadilan po binigay sakin 3x a day for 5 days po.. 5months na dn po ako ngaun dec..

ako renesitahan din pangpakapit at para hindi manigas yung matris ko .tapos bedrest lang talaga

ask ko lng po magkno po kaya mag pa vaginal ultrasound?Sana po may sumagot

4y ago

790 po,ung binayaran q. (polyclinic)

hindi po advisable magpahilot kapag buntis na