Always "akala" ni mil

Hello po mag lalabas lang ng hinaing again ayaw nilang malayo sakanila ang jusawa ko kesyo daw pinagawa ang bahay para di na mag hanap ng ibang matitirahan. Pero for me gusto ko parin bumukod lalo na at unting iyak ni baby kabag agad ang sinasabi ng mil ko na parang mas alam niya pa kung bakit naiyak ang anak ko. This morning kasi nagising anak ko ng mga 4am then nag timpla ako ng gatas kasi baka gutom pinalitan ng diaper pero hindi parin tumitigil gusto niya isuck ang kamay niya para bumalik sa tulog so nong medyo kinakausap ko na ang anak ko na pinapakalma ko kasi nag tra-trantrum siya 2months old palang may trantrums na so mas alam ko kung pano siya pa kalmahin. Biglang pumasok yung mil ko sa kuwarto then sabi niya "akin na baka may kabag yan." Sabi ko "wag na po ok na po." Medyo malamig na tuno kasi nga medyo naiirita ako na bawat iyak ng anak ko kabag then pahid ng oil eh mas naiinitan siya sa manzanilla kaya diko na binigay. Tapos di pa siya tumitigil sa salita niya na "iiyak ba yan kung walang nararamdaman." Then ang ginawa ko nalang inhale exhale then pinakalma ko sarili ko then ang baby ko. Nong nakita ng fil ko na tulog na then may pacifier sabi niya sa mil ko "sarap na ng tulog nag susupsop na don." Sabi ng mil ko "kaya nag kakabag kasi pinagamit ng ganyan." Omg! Gusto niya kasi lahat ng hinala niya dapat tama.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lumang paniniwala na po yung manzanilla. Sabi sakin ng OB at pedia di sya advisable sa baby. Kung kabag naman or possible natatae pwede mo naman malaman kung hawakan ang tyan. Kung matigas, possible trapped gas or natatae nga. Pag ganun pinapa-burp lang namin or mina-massage ng konti at iniintay matae.

Magbasa pa