Cloxacillin for baby.

Hello po. Mag 9mos. Po si baby ko ngayong Oct. 10. Kakagaling lang po namin sa center nag PCV vaccine po si baby pangatlo na. Tapos binigay nila tong antibiotic na to at ang sabi ubusin daw po. Isang beses per day po ang inom. May nabigyan din po nito sa inyo? At kailangan po ba talaga to inumin? Mejo nakakawala po kasi ng tiwala ang mga health worker dito sa amin. Tuwing may bakuna po laging nawawala ang mga records. Di pi maayos mag asikaso.

Cloxacillin for baby.
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may sakit po ba anak mo kya bnigyan ka ng antibiotic?kng wala nmn wag mo painom..kng nagpa bakuna lng sya d nya yan kailngan inumin..tinanong mo ba sis kng pra saan yan? Cloxacillin is used to treat a wide variety of bacterial infections. This medication is a type of penicillin antibiotic. It works by stopping the growth of bacteria. This antibiotic treats only bacterial infections.

Magbasa pa
4y ago

Aware naman po ako sa antibiotics. Nacurious lang ako kasi baka yung vaccine nya need uminom ng antibiotics after.. kaya po nag tanong ako.which is hindi nga po dapat. Just want other moms here to be aware . Dahil baka may mga iba pang nabigyan ng gamot na to sa mga centers lalo na dito sa Caloocan. I'll post again regarding this to spread awareness. Thank you po.

Mommy wlaq naman sakit amg baby mo bky iinom ng antibiotic? Wag mo sundin mapapahamak pa si baby mo! Alam nyo sa totoo lang ayan ang mahirap sa centers hnd maalam ang tao dun. Mali mali pa sinasabi (Yung iba lang po ah)

4y ago

Oo nga po. Buti na lang din talaga never naman din ako nagpainom ng gamot kay baby na binibigay sa centers.

VIP Member

Same tau ng bakuna pero wala nmn bngay samin na ganyan ung paracetamol lng if para lagnatin c baby kagagaling lang nmin ngyon👍

4y ago

See? Ganyan po nakakainis ang brgy dito samin. Di ko na lang mamention dahil baka pag initan kami. Pero napakarami po nilang kapalpakan talaga.

nyek? anong reason bakit may antibiotic? wala naman sakit baby mo di ba? Nagpabakuna lang? Huwag mo ipainom yan sis.

4y ago

Oonga po e.. tapos sabi 1month daw sya ipapainom.. aware naman po ako sa antibiotics .. kaya po nagtataka ako . Baka lang kasi dahil sa PCV vaccine kaya need painumin. Yan nasa isip ko kanina .. pero wala naman kasi infection baby ko. Jusko talagang mga health worker ito samin. Basta nung lalabas na kami ng center after turok hinabol kami . Tapos tinanong kung ilang months na daw. Sabi ko mag na 9 mos. Ipainom ko daw yan ng 1month jusko.

VIP Member

Antibiotic? Para san daw po ? Kung wala nman pong sakit o infection si baby wag nyo pong painom mommy.

Hi, better if sa Pedia mo nalang sya ipapa-check up, then yung free vaccines sa center, yun nalang avail mo.

4y ago

Hello po. Free vaccine lang po talaga pinunta namin sa center .. never po kami nagpacheck up sa center. Kaya po nagtaka talaga ako bakit sila nagbibigay ng antibiotics sa mga batang ni hindi nila alam kung may diagnosis ba na need ng ganung gamot. Walang reseta at basta healthworker lang nag aabot. Kawawa yung mga batang nabigyan na di alam ng magulang na di dapat ipainom yun.

bka nag kamali Yung nag bigay. bka d para sa Inyo Yung antibiotic.

4y ago

Hinabol nya pa po kami .. actually nakipag argue pa ako . Kasi sabi ko bakit kailangan kong ipainom yun e wala namang sakit si baby .. sabi pa nya basta iniinom yan ng 9mos. Sabi ko di po ito iniinom ng walang reseta. Mahirap na lang makipagtalo sa brgy dito samin. Pero alam ko nadinig ako ng ibang parents na nandun at sana na alarm din sila. Kasi yung mga antibiotics po nasa labas ng center at kada labas ng mga bata na tinuturukan binibigyan nila.. di pa ako aware nung una dahil di ko alam na antibiotics yun ... at kahit may pila malayo kami dahil sa social distancing.