Civil Wedding / Illegitimate Child

Hello po, long post ahead pero sana po may makapansin. 30 years old na po ako, ang partner ko po ay 29, turning 30 sa September. May nakapagsabi po sa akin na mahirap daw po magprocess ng legitimacy ng bata pag ipinanganak bago ikasal. First Question ko po is may idea po ba kayo kung magkano magagastos sa pagpoproseso po.. Second question po, if i-consider po namin magpakasal sa huwes, possible po ba na magawa yun without our parents knowledge at as in kami lang dalawa since above 25years old naman na po kami? Wala po kasi kaming budget para magpakasal, gusto po namin ilaan lahat sa pag anak ko at mgabneeds ni baby.. kung halimbawa man na ipapaalam po namin amg balak namin, for sure po madami sasawsaw at malalakihan kami sa gastos. Ayaw ko rin po sana ma stress... Gusto ko lang po maging legitimate ang baby ko paglabas. Para less hustle din po. Thank you po sa pagbasa. God bless us po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hmmmm di naman ata mahirap magprocess, well depende siguro sa definition ng mahirap. may mga requirements nga lang tlaga na aayusin pero hindi naman pahirapan kunin kasi meron ka naman na sayo yung iba like marriage cert, birth cert ni baby. may mga dagdag lang like another affidavit. di matandaan ng kapatid ko eh kung magkano nagastos nila. yes, pwede na kayo makasal kahit kayong dalawa lang. pero kung sigurado na kayo tlaga sa isat isa magpakasal na kayo bago pa lumabas. pag kasal kasi kayo pag sa ospital ka manganak sila na magsasubmit sa civil registrar. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
2y ago

Thank you po mommy. โค๏ธ Big help po ๐Ÿ™‚