Hello po. Last wednesday po i was rush to the er po kasi pagkagising ko po sobra sama pakiramdam and naduduwal tapos nagllbm ako. Then, kinunan po nila ako urine, poop, and blood test. Then sa result normal naman po lahat except nakita po na positive ako sa pregnancy test. Dun ko lang po nalaman na buntis ako. 5 years po namin to inintay. Delayed din po ako ng 5 days non pero diko po naisip na buntis ako kasi yun signs e parang magkakameron lang ako.
Tapos nagpacheck na din po ako sa ob kaso dipa po ko inultrasound kasi wala pa daw po makikita. Niresetahan lang po ako ng folic acid and dupasthon. Kasi the night bago po ako mapa er e nagkaron po ng konting dugo parang tuldok lang po sa underwear ko.
Tapos kahapon po thursday, dipo ko makakain ayos kasi sobrang sama ng pakiramdam ko. Parang ayaw po tanggapin ng tyan ko. Pero pinilit ko po kumain.
Then kanina po, the whole day nakakain naman po ako ng maayos. Kaso po kada kain ko po nagpupupu po ako. Na malambot po. Isang beses lang po dipo kagaya nung una na mayat maya basta kada kain ko po nagpupu ako. Normal po ba yun tsaka po yun tyan ko medyo matigas?ok lang po ba yun? Salamat po ❤